Connect with us

Entertainment

Panganay Na Anak Ni Ruffa Gutierrez Malaki Ang Potensyal Na Maging Kalahok Sa Isang Beauty Pageant

Published

on

Maliban sa pagiging kilalang aktres ni Ruffa Gutierrez ay nakilala rin ito bilang isang beauty queen. At tila nga ngayon sa kanyang mga anak na dalaga, ay mayroong susunod sa kanyang yapak na pasukin ang beauty pageants.

Ang panganay na anak ni Ruffa na si Lorin Gutierrez ay matagal ng usap-usapan na posibleng sumabak sa beauty pageants at sumunod sa yapak ng kanyang beauty queen mom, ito nga ay dahil talaga namang ‘she got the looks and brains’ na maari niyang maging puhunan kung naisin man nga nito na tahakin ang pagiging isang beauty queen.

Kamakailan nga lamang ay may inilunsad na pres conference ang VIVA para kay Lorin, bilang pag-welcome nila dito sa pagiging isa sa bagong talent nila. Sa nagapan na prescon, ay hindi naiwasan na maitanong sa dalaga kung may plano ba ito na sumabak sa beuty pageant, na agad naman ngang sinagot ni Lorin.

“I don’t know what will happen to me. As of now, I don’t really have plan of joining a beauty contest and I haven’t thought much about it. But honestly in the future, my mind can change in a year. My mind can change in three years, we’ll never really know”, ang naging saad ni Lorin.

Ayon nga sa dalaga, sa ngayon ay wala pa sa kanyang isipan na pasukin ang beauty pageants, ngunit ang isipan niya ay maaring magbago pa sa paglipas ng panahon.
“I guess I’ll just have to see it where my mind takes me and where my future takes me in terms of beauty pageants. Or what I decide to pursue in the future”, dagdag na saad pa ng dalaga.

Sa ngayon umano ay mas nais munang bigyan ng pokus ni Lorin ang kanyang hilig sa acting, kasabay nito ang kanyang pag-aaral. Pagbabahagi pa niya, as long as nakakaya niyang i-handle ang kanyang oras, idagdag pa ang displina niya sa sarili, batid niya na makakaya niyang i-balance ang kanyang pagsabak sa pag-aartista at pag-aaral.
Pahayag pa ni Lorin, sa ngayon ay nararamdaman niya na nasa pagiging aktres pa ang nasa puso niya, lalo pa’t hilig niya din talaga ang mag-acting.