Entertainment
Pantasya Na Ng Bayan Ngayon Ang Nag Iisang Anak Na Lalaki Ni Ina Raymundo

Baby no more!!! Ang nag-iisang anak na lalaki ni Ina Raymundo na si Jakob Poturnak, ay isa na ngayon sa mga pinapantasya at kinakikliligan ng maraming mga kababaihan. Talaga namang napakabilis ng paglipas ng panahon, lalo na para sa mga magulang tulad ng aktres na si Ina Raymundo, sapagkat ang paglaki nga ng kanyang anak, ay tunay namang hindi niya namamalayan at napakabilis ngang lumilipas.
Nito lamang kasing nakaraan ay nagbahagi si Ina sa kanyang social media account ng larawan niya, kung saan ay kanya ngang kasama ang unico hijo niyang si Jakob Portunak. At kitang-kita nga sa nasabing larawan na talagang napakaganda ng lahi ng aktres at ng mister nito, sapagkat tunay na napaka-gwapo ni Jakob.
Tunay ngang ‘beauty runs in their blood’ sapagkat hindi maitatanggi na namana ng mga anak ni Ina ang magandang lahi nila ng kanyang mister, sapagkat lahat nga ng mga ito ay artistahin katulad ng kanilang ina. Halos lahat nga ng mga anak ni Ina ay agaw-pansin ang mga hitsura, at kabilang na nga rito si Jakob na ngayong binata na ay mas naging kapansin-pansin pa ito sa marami lalo na sa mga kababaihan.
Matatandaan na noon ay naging usap-usapan ang isa sa mga dalagang anak ni Ina, ito nga si Rae na talaga namang kaakit-akit din ang taglay na ganda. At ngayon nga, ay ang nag-iisang anak naman ni Ina na si Jakob ang pinagkakaguluhan ng marami, dahil sa taglay nitong mala-artistang kagwapuhan.
Ayon nga sa ilan, ay pang-artistahin talaga ang napakagwapong mukha ng anak ni Ina na si Jakob,
idagdag pa ang matikas nitong pangangatawan, kung kaya tiyak na kung sundan ng binata ang yapak ng kanyang mommy Ina sa showbiz, ay siguradong magandang karera ang naghihintay dito. May mga netizens pa nga na nagsabi na ang taglay na kagwapuhan ni Jakob ay pang leadingman, hindi lang dito sa showbiz sa ating bansa, kundi maari din sa Hollywood.
Saad pa nga ng ilan, kung noon ay pantasya ng mga kalalakihan si Ina, ngayon naman ay ang binatang anak niyang si Jakob ay pantasya naman ng maraming kababaihan. Talaga namang napaka-gwapo ni Jakob, tikas at ngiti pa lamang nito, agaw pansin na, kaya sino ba ang hindi mahuhumaling sa gwapong anak na ito ni Ina.
