Connect with us

Health

Pauleen Luna Ibinahagi Na Dahil Sa Pagkakaroon Ng Problema Sa Kalusugan Ay Mas Todo Sa Pag Ehersisyo Ngayon

Published

on

Isa sa pinakamadalas na hormonal disorder ng isang kababaihan ay ang PC0S o P*lycystic Ovary Syndrome, ito ay isang kondisyon kung saan ay hindi buwan-buwan nagkakaroon ng dalawa ang isang babae o ‘yung irregular ang menstruation nila.

May pagkakataon pa nga na dahil sa pagkakaroon ng ganitong uri ng kondisyon, ay mayroong mga babae na hindi nabigyan ng sarili nilang anak.

Sa panahon ngayon ay hindi na nga bago sa mga kababaihan ang ganitong kundisyon sa kanilang kalusugan, ngunit sa kabila nito, dapat pa ring gawan ng agarang paraan o aksyon ng isang babaeng may ganitong kondisyon ang kanyang kalagayan upang ito nga ay hindi na lumala pa.

Samantala, kamakailan nga lamang ng ibahagi ng TV host-actress na si Pauleen Luna na siya ay isa sa mga kababaihan na mayroong PC*S horm*nal d*sorder, ngunit sa kabila nito ay tila naging inspirasyon siya sa ibang kababaihan dahil sa ibinahagi niya sa mga ito kung ano ng aba ang dapat gawin ng isang babaeng may ganitong kondisyon upang mas maging healthy at physically fit ang kanilang pangangatawan.

Makikita sa Instagram account ng misis ni Bossing Vis Sotto, ang pagbabahagi nito ng isang video kung saan ito ay abala sa ginawa niyang pag wowork out habang nakikinig ng isang magandang musika.
Kalakip ng naturang video, ay ang naging caption ni Pauleen na;

“A little over a month into my fitness journey and I’m starting to feel strength coming back! I’ce accepted that it’s a slow progress but slow is better than none. Living with PCOS is no joke.”
Dagdag pa ni Pauleen, mas nakatulong sa kanyang kalusugan ngayon ang ginagawa niyang pag-ehersisyo at pagpili ng tamang pagkain na mas makakapagbigay ng magandang kalusugan sa kanya.

“Making good choices with my food intake and moving (it’s pilates, walking, spinning for me) has been my priority lately. So happy where I am right now and I really pray that God will sustain me [praying hand]”.

Marami namang mga kababaihan ang na-inspire sa journey na ito ni Pauleen, at ang iba ay ipinabatid ang kanilang naging paghanga at suporta sa TV host-actress.
“Try and try lang db… gogogo…idol!”

“Progress over perfection always, #OnelifeWoman [blue heart emoji” “Proud of you Mommy Pau [red heart emoji”’ “Keep going beautiful, you can do it [hands up emoji]”