Connect with us

Entertainment

PBB Big Winner Yamyam Gucong Masayang Ibinahagi Ang Kanyang Buhay Pag Ibig Sa Piling Ng Kanyang Non-Showbiz Girlfriend

Published

on

Taong 2019 ng si William Gucong o mas nakilala ng publiko bilang si Yamyam Gucong ay hirangin bilang big winner ng Pinoy Big Brother: Otso. Ang kanyang taglay na personalidad na pagiging masayahin, totoong tao at simple ang minahal at hinangaan sa kanya ng marami, dahilan upang siya nga ang magwagi sa Bahay ni Kuya bilang big winner. Siya ay nakilala sa PBB bilang ang ‘Iskulit Bai ng Bohol’.

Ang nanging pagkapanalo ni Yamyam sa nasabing reality show ang naging daan para mapasok niya ang mundo ng showbiz at magkaroon ng umaarangkadang karera. Agad namang nagbago ang estado ng buhay ni Yamyam dahil sa kanyang naging pagkapanalo, idagdag pa ang kanyang naging kasipagan at determinasyon.

Nakapagpundar na si Yamyam ng sarili niyang negosyo sa Bohol na ayon sa kanya ay para sa kanyang pamilya. Nabili na din niya ang lupang noon ay sinasaka lamang nila ng kanyang mga magulang, kung saan ito nga ay handog din niya sa mga magulang niya.

Malayo man ang narating at malaki man ang nabago sa estado ng buhay ni Yamyam ay nanatili naman ang kababaan ng loob niya, at nanatili pa rin nga ang pagiging simple sa kabila ng mga tinatamasa niya ngayon.

Samantala, lingid naman sa kaalaman ng marami sa atin na bago pumasok si Yamyam sa PBB house, ay may kasintahan na siya. At ito nga ay si Elaine, ang babaeng bumihag sa puso niya.
Kahit nga isa ng kilalang personalidad si Yamyam ngayon, ay hindi naman nagbago ang kanyang pagmamahal sa kasintahan, at mas lalo pa ngang tumitibay ang relasyon nilang dalawa. Ayon sa kanya,

ang ang pagmamahalan nila ng kasintahan ay nakasentro sa Panginoon kaya naman ito ay wagas.
Makikita sa social media account ni Yamyam ang mga ibinabahagi niyang larawan na kasama niya ang kasintahan niyang si Elaine, at talaga namang masisilayan sa bawat larawan nila na masaya sila sa piling ng isa’t isa.

Sa isang larawan ay makikita na sila ay magkaholding hands, at tila kagagaling nga lamang nila sa pagsimba, dahil nasa likuran nila ay isang imahe ng simbahan. Kalakip ng larawan na ito ni Yamyam at ng girlfriend niyang si Elaine ay ang caption na;

“Gan’to lang kasimple yan eh, Mahal mo siya, mahal ka niya. At sa Panginoon, matindi ang inyong pananampalataya”, ang naging saad ni Yamyam.