Connect with us

Entertainment

Pia Wurtzbach At Jeremy Jauncey Ipinasilip Ang Naging Masayang Pagbabakasyon Sa Bansang Switzerland

Published

on

Pagdating sa buhay pag-ibig, ay isa si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa may nakakakilig na kwento ng pag-ibig at ito nga ay sa piling ng kanyang boyfriendna s Jeremy Jauncey. Magmula nga ng ang relasyon nilang dalawa ay naisapubliko ay isa na nga sila sa mga celebrity couple na talaga namang inaabangan at kinakikiligan ng marami.

Si Pia ay 32-taong gulang at kilala bilang isang modelo, aktres at beauty queen na may angking kagandahan at kahusayan sa pagrampa sa entablado. Matatandaan na siya ay nagbigay karangalan sa ating bansa ng masungkit niya ang titulo at korona bilang Miss Universe noong taong 2015. Samantala, ang boyfriend niya na si Jeremy Jauncey ay nasa edad 37 naman at isang British International na kilala naman bilang isang matagumpay na entrepreneur.

Kahit nga nasa limang taon ang agwat sa edad ng magkasintahan ay hindi naman ito hadlang sa kanilang pagmamahalan. Makikita nga sa travel goals ng magkasintahan ang sweetness at kilig overload, at sa bawat pagkakataon nga na ito na sila ay magkasama ay tila mas lalo pang tumatamis ang kanilang pag-ibig sa isa’t isa.

Samantala, kamakailan nga lamang ay muli namang umapaw ang kilig sa magkasintahang Pia at Jeremy, at ito nga ay matapos hilang ibahagi sa kanilang social media account ang naging masaya nilang pagbabakasyon sa Geneva, Switzerland kung saan ay kanilang in-enjoy ang malamig na panahon sa lugar dahil sa panahon ng niyebe.

Sa mga larawan nga na ibinahagi ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ay makikita nga ang kasiyahan nila ng nobyo niyang si Jeremy habang in-enjoy ang naging masayang bakasyon nila sa Switzerland, at ang larawan nga na ito ay nilakipan niya ng caption na;

“Geneva to Lucerneand we were greeted by snow! What a surprise! I don’t remember the last time I saw this much snow. Honestly, I wasn’t ready for this weather and it looks like I’m gonna have to borrow these coats from the hotel to stay warm. Thank you, my love @jeremyjauncey for taking me to another unforgettable place. Burgenstockresort is a dream and we’ve been exploring the resort the past couples of days now. It’s full of history (and food) so this is a happy dragon.”

Ipinahayag naman ni Jeremy sa kanyang Instagram post kung gaano sila naging masaya ng kanyang beauty queen girlfriend habang namamasyal sa hindi makapigil hininga na ganda ng tanawin na kanilang natatanaw sa Geneva.

Matatandaan na taong 2020 ng isapubliko nina Pia at Jeremy ang kanilang relasyon, at sa loob nga ng dalawang taon na nilang pagsasama at pagmamahalan ay kita naman sa kanilang dalawa na tila nga mas lumalalim ang pagmamahal nila sa isa’t isa.