Connect with us

Inspiring

Pinatunayan Ng Isang Estudyanteng Maagang Naging Ina Na Makapagtapos Ng Pag Aaral Sa Kabila Ng Panghuhusga At Masasakit Na Salita

Published

on

Sa panahon ngayon ay marami na ngang mga kabataan ang maagang napapasok sa responsibilidad ng pagiging isang magulang, ito ay dahil na din sa maaga nilang pakikipagrelasyon o pagkakaroon nga ng kasintahan sa mura nilang edad. Ang mga ganitong senaryo nga sa buhay ng isang kabataan, ay siyang nagiging dahilan upang makaranas din sila ng panghuhusga mula sa ating lipunan. Ilan nga sa mga kabataan na ito na maagang nabubuntis at nagiging magulang, ay hindi maiwasan na makarinig ng mga salita mula sa kanilang kapwa tulad ng ‘ay malabo ng makapagtapos ng pag-aaral yan.’

Ngunit sa kabila nito, hindi nga naman lahat ng maagang nabuntis at nagkaanak ay hindi nakakapagtapos ng pag-aaral, dahil may iba na mas ginagawa pang inspirasyon ang kanilang pinagdaanan upang magsumikap pa lalo na makapagtapos ng pag aaral upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang anak.

Tulad na nga lamang nito, ay ang kuwento ng isang kolehiyala, na kamakailan lamang ay ibinahagi ang kanyang naging matagumpay na pagtatapos sa kolehiyo, ito ay sa kabila nga ng mga panghuhusgang naranasan niya dahil sa pagiging isang ina niya habang siya ay estudyante pa lamang at ang masaklap pa ay iniwan siya ng ama ng kanyang anak.

Ibinahagi ni Krichell ang kuwento ng kanyang buhay kolehiyala, kung saan ay kanya ngang sinabi na ito ay hindi naging madali sapagkat habang siya nga ay nag-aaral ay nabuntis siya ng kanyang nobyo, at naging dagdag pa sa hirap niya ng iwanan siya nito.

Ayon pa sa kanya, hindi madali ang maging isang single mom at estudyante pa, ngunit sa kabila nga ng sitwasyon niyang ito, ay hindi ito naging hadlang kay Krichell para hindi ipagpatuloy na bigyang katuparan ang kanyang pangarap, at ito nga ay ang makapagtapos ng kolehiyo sa kursong Civil Engineer.

Paglalahad pa niya, naranasan niya ring pagsabayin ang pag-aaral, pagtatrabaho at pagiging isang ina at the same time, ito nga ay dahil kinakailangan niyang suportahan ang pangangailangan nila ng kanyang anak.

Dahil sa naging pagtitiis at pagsusumikap ni Krichell ay naging posible para sa kanya ang bigyan ng katuparan ang kanyang pangarap. Matagumpay siyang nakapagtapos ng kolehiyo, at napatunayan nga niya sa mga taong humusga sa kanya na sa kabila ng maaga niyang pagiging isang ina, ay hindi ito hadlang para hindi siya makapagtapos ng pag-aaral.

Para kay Krichell, ang pagsusumikap nga niya na makapagtapos ng pag-aaral ay hindi na lamang para sa kanyang sarili ngayon, kundi para na rin sa kanyang anak, para mabigyan niya ito ng mas maayos na buhay sa hinaharap.

“Mahirap maging single mom, yung wala kang aasahan kundi sarili mo. Kailangan mong magpakatatag para sa anak mo. Tipong papasok ka sa work sa umaga, tapos hapon pasok sa school. Kailangan magwork para matustusan lahat ng pangangailangan ng anak mo.”

“Madalas akong nakakaramdam ng pagod noon, pero hindi ako pwedeng sumuko kasi may bata na umaasa sa akin. Kailangan kong magpakatatag para sa kanya. Sisikapin kong makagraduate para sa anak ko, para mabigyan ko siya ng magandang buhay at para balang araw ay maging proud siya sa akin. Sa lahat ng sacrifices ko”, ang naging saad nga ni Krichell.

May paalala ring iniwan si Krichell para sa lahat ng mga kabataan. Saad pa niya, madapa ka man sa buhay, patuloy lang bumangon at lumaban. “Advice ko lang WAG NA WAG NIYONG GAGAWIN YUN, kasi at the end of the day, kayo lang din ang mahihirapan. Baka mamaya magkaroon pa ng kapansanan ang anak niyo. Andiyan na eh, tuloy lang ang laban. Ganoon talaga ang buhay, minsan nadadapa. Pero babangon tayo, at lalaban pa din”, payo nga ni Krichell.