Connect with us

Showbiz

Pinay Transgender Natagpuan Ang Pag-ibig At Ikinasal Agad Kahit 9-Months Pa Lang Na Magkarelasyon

Published

on

Sana-all at Wow, yan ang naging reaksyon ng maraming netizens sa isang Pinay Transgender, ito ay matapos nga niyang ibahagi sa noontime show na Eat Bulaga ang love story nila ng kanyang asawang Australiano.

Kamakailan lamang ay nag-viral ang isang Pinay transgender at ang asawa nitong Australian Nationak sa segment na ‘Bawal Judgemental’ ng noontime show na Eat Bulaga ng Kapuso network. Sa nasabing segment ay naitampok nga bilang ‘happily married sa foreigner’ ang mag-asawang sina Erica at Danny.
Ang naturang Pinay transgender ay kinilalang si Erica Elmarsi na tubong Iligan, Isabela na ngayon ay naka-base sa bansang Australia. Ang kanya namang napangasawa ay si Danny Elmarsi, isang Australian national.

Kilig ang naging hatid ng mag-asawa sa maraming mga manonood ng kanila ngang ibahagi sa segment ng Eat Bulaga na ‘Bawal Judgmental’ ang makulay na kuwento ng kanilang pag-iibigan. Ayon nga kina Erica at Danny, sila au nagkakilala sa isang dating apps, at makalipas nga lamang ang siyam na buwan na pagkakaroon nila ng relasyon, ay nagdesisyon na nga silang magpakasal.

Ibinahagi naman ni Erica ang tunay na dahilan kung bakit naging agaran ang pagpapakasal nila ni Danny, at ayon nga sa kanya, ito ay upang kanyang makamit ang pagiging isang permanent resident ng Australia, kung saan isa nga sa mabilis na paraan para makamit ito ay ang pag-aasawa ng Australiano.
“I will help you in your visa”, ani Danny.

Ayon nga kay Erica, kusa siyang tinulungan ni Danny na maging isa ngang permanent resident ng Australia. Mas lalo din umano siyang nasiyahan sa pagpapakasal niya sa asawa, dahil dito niya napatunayan na sensero ito sa kanya sa kabila ng pagiging isa niyang transgender sapagkat ipinapakita at ipinapadama nga nito ang pagmamahal nito para sa kanya.

“Mahal niya talaga ako, ayaw niya akong umuwi kaya he wants to keep me for himself”, ani Erica.
Naibahagi din nina Erica at Danny na maayos ang buhay nilang mag-asawa sa Australia, kung saan ay mayroon nga silang pinapatakbong negosyo roon, at ito nga ay dalawang restaurants, na sila rin mismo ang mga empleyado.

Natanong naman ng Eat Bulaga host na si Allan K sa Australianong si Danny kung bakit niya pinakasalan ang transgender na si Erica, at ito nga ang naging tugon niya;
“She’s nice, she’s beautiful, very caring, when you find the right one, it’s very easy”, sagot ni Danny kay Allan K.

Talaga namang ramdam na ramdam sa mga katagang binitawan ni Danny ang sensero niyang pagmamahal sa asawa niyang si Erica na isa ngang Pinay transgender. Pinatunayan din ng dalawa na walang pinipili ang pag-ibig, basta’t ito ay tunay at wagas.