Connect with us

Entertainment

Pinoy Action Star Na Si Mon Confiado Muling Ipapakita Ang Husay Sa Pag-Arte Sa Isang Panibagong Hollywood Film

Published

on

Isa sa mga pinakamahusay na Pinoy aktor na ating nasilayan sa ating mga telebisyon ay si Mon Confiado. Siya ay madalas na gumanap na kontrabida sa mga serye at pelikula na kanyang ginagawa, at dito nga niya lubos na naipapakita sa lahat ng mga manonood ang kanyang kakayahan at husay sa pag-arte bilang isang aktor.

Maliban pa nga sa pagiging isang kontrabida ni Mon sa mga pelikula at serye, ay mayroon ring pagkakataon na bumida ang nasabing aktor sa pelikula, at ang pelikula nang ito ay ang Filipino historical film na “Heneral Luna” at “Goyo: Ang Batang Heneral”, na talaga namang pumatok sa takilya.

Dahil sa ipinakitang husay ni Mon sa mga proyektong ito na kanyang ginawa, ay maraming mga oportunidad ang nagbukas ng pintuan para sa Pinoy actor, kabilang na nga rito ang mapabilang siya sa ilang mga international films.

Matatandaan na noong taong 2017, ay bumida si Mon Confiado sa isang Hollywood movie na “STATESIDE”, kung saan ay gumanap siya bilang isang Filipino immigrant na gagawin ang lahat para mabuhay sa Amerika, sa katauhan ni “Andrew”. Naging katambal niya sa pelikulang ito ang napakaganda at napakahusay na Hollywood actress na si Olivia Hultgren.

Kamakailan nga lamang ay proud na nagbahagi si Mon sa kanyang social media account ng kanyang mga larawan kung saan ay kasama niya si Olivia. At ang ibang larawan pa nga na kanyang ibinahagi ay mga behind the scene photo nilang dalawa.

Kalakip naman ng larawan na ito, ay ang naging caption ni Mon, kung saan ay pinuri niya ang kagandahan at husay sa pagiging isang aktres ni Olivia Hultgren.
“The very pretty and very professional leading lady of our film ‘STATESIDE’, Hollywood actress Olivia Hultgren.”

Maliban pa nga sa kanyang naging Hollywood movie, ay nagkaroon rin ng pagkakataon si Mon na mapabilang sa isang South Korean action-adventure movie na pinamagatang ‘The Golden Holiday’. At dito ay nakasama naman ng Pinoy actor, ang ilan sa mga batikang South Korean actor, tulad nina Kwak Do-won at Kim Sang-ho.

Samantala, kamakailan nga lamang ay muling nagbahagi si Mon sa kanyang Instagram account ng isang masayang balita, kung saan ay kanyang ipinahayag na siya ay may bagong Hollywood na pagbibidahan at ito ay may titulong ‘TURNCOAT’.

Ayon pa kay Mon, ang Italian actress na si Annaluisa Capasa ang kanyang naging leading lady sa Hollywood film na ito. Nagbahagi pa nga ang Pinoy actor ng synopsis sa kanyang magiging bagong Hollywood film.

“A mild manner man lives happy and quiet life with his Italian wife in L.A. Suddenly, mysterious people telling him he was a former hitman in Manila and changing that he is someone else for whom they’ve been looking.

Is this a case of mistaken identity or he has a history no one knows about? He must confront his v!olent past”, ang naging pagsasaad ng ani Mon. Sa panahon na isinusulat ang artikulong ito, ay hindi pa inilahad ni Mon ang detalye kung kailan ipapalabas ang pelikulang ‘TURNCOAT’.