Showbiz
Piolo Pascual Ibinahagi Ang Kanyang Sikreto Pagkakaroon Ng Mas Batang Itsura Sa Kabila Ng Kanyang Edad

Pagdating sa pag-arte, pagiging mahusay na ang-aawit, pagkakaroon ng gwapong mukha at makisig na pangangatawan, ay isa ang singer-actor na si Piolo Pascual sa talaga namang hinahangaan ng marami mula noon hanggang ngayon.
Batid naman ng marami sa atin na sa tagal na ng aktor sa industriya ng showbiz at ilang taon na rin ang nadagdag sa kanyang edad, ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin nga nagbabago ang taglay niyang karisma, kagwapuhan at kakisigan, at hanggang ngayon nga ay marami pa rin ang talaga namang kinikilig at humahanga sa kanya.
Sa edad na 45-ngayon ni Piolo ay marami nga ang nais malaman kung ano ang sikreto ng aktor sa pagpapanatiling bata ng kanyang hitsura, at kamakailan nga lamang ay isinawalat na ng aktor sa publiko kung ano ba ang kanyang ginagawa upang mapanatili ang pagiging hitsurang bata kahit na nagkakaedad na.
Ayon kay Piolo, maliban sa pag-e-ehersisyo, isa sa kanyang mga sikreto sa pagkakaroon ng batang hitsura sa kabila ng edad niya ay ang pagkakaroon ng tama at kumpletong tulog.
“I sleep a lot. That helps a lot to stay young, young looking. For physical health, I don’t have days-off. I do my cardio. If I don’t do my cardio, I do my workout”, ani nga ng aktor sa Monster RX93.1.
Dagdag na saad pa niya, hindi lang basta isang chore sa kanya ang pagwo-workout, dahil para nga sa kanya ito ay parte na ng kanyang pang-araw araw na buhay.
“I have to do a workout once a day. it’s not a chore. It’s a part of your life”, ani pa ng aktor.
Ibinahagi din ni Piolo na maliban sa pag-eehersisyo at tamang pagtulog ay ang pagkakaroon niya ng matatag na pananampataya sa Diyos ang ang nagpapanatili sa kanyang kaluluwa na maging bata at mapanatili ang positibong pananaw sa buhay.
“The best part about that is my faith. I believe in God. I believe in his purpose for me and I believe in the positivity of life”, aniya pa. Paglalahad pa ng aktor, hangga’t maari ay iniiwasan na rin niya ang kanegahan at tanging mga good vibes lamang ang mas pinagtutuunan ng pansin dahil pakiramdam niya ay ito ang mas nagpapadagdag ng kanyang enerhiya kaya naman mas bumabata siya.
Dagdag pa ni Piolo magmula ng pasukin niya ang mundo ng showbiz ay talaga namang mas inalagaan na niya ang kanyang kalusugan at pangangatawan, ito ay upang palagi siyang maging handa sa kahit anomang ialok na trabaho sa kanya.
