Entertainment
Proud At Ipinagmamalaki Ni Tik Tok Star Queenay Ang Pagiging Isang Batangueṅa

Nito lamang nakaraan ika-9 ng Hulyo, araw ng Sabado sa Mesa restaurant ng Vista Mall-Taguig ay naganap nga ang kiddiecon ng Sing Galing Kids, kung saan ay naibulalas ng Tik Tok star na si Queenay ang kanyang pagiging isang proud Batanguena.
Ayon kay Queenay, ikinatuwa niya lalo na ng mga kababayan niya sa Batangas, na ngayon ay unti-unti ng napapansin ang kanilang mga punto sa pagsasalita, ito nga ay dahil sa kanyang pagmamahal ng paggamit ng punto nila sa Batangas sa kanyang mga TikTok post.
“Parang natuwa ata ang mga tao, lalo na ang aking mga kababayan sa Batangas na parang… Dati naman ho kasi, hindi napapansin yung mga punto namin. Paglalahad pa ni Queenay, sa naging pag gamit niya ng lenggwahe nila sa Batangas sa kanyang mga Tik Tok video, ay dito na nga nag dire-diretso ang pagiging proud Batanguena niya, dahil sa mas lalo pa ngang dumadami ang mga viewers ng mga ini-a-upload niya.
“Tapos after nun, e, di… dire-diretso. Nag-notice nga ako ng Batangueña, ganyan.
Tapos hanggang sa natutuwa na yung mga tao, na parang dumadami talaga yung views kada upload ko. Talagang kahit yung isang upload, nagtu-2.1M views. “Nagugulat na lang po ako. After po nun, hanggang sa in-embrace ko na po talaga na eto yung maganda.
Madalas ngang i-hashtag ni Queenay sa kanyang mga Tik Tok ang salita nila sa Batangas na “Kainaman” at ito din ay palagi niyang binabanggit sa mga Tik Tok video niya. Ipinaliwanag naman ng 20-taong dalaga ang ibig sabihin ng salitang ‘kainaman’. “Ang ‘kainaman’ po, sa mga hindi nakakaalam, ang ‘kainaman’ po ay sobra, exagg, grabe, mainam. Depende po sa gamit.”
Ayon pa kay Queenay, masaya siya dahil hindi lamang nga ang sarili niya ang na-lift niya bilang isang Batanguena, dahil na-lift din niya maging ang bayan niya, ito nga ay ang San Jose, Batangas, na kilala bilang ‘egg basket of the Philippines’ “Puro itlog po sa amin sa San Jose! Maraming itlog!”, saad ni Queenay.
Ibinahagi naman ni Queenay na isa sa mga iniidolo niyang celebrity na taga-Batangas ay ang gwapo at mahusay na aktor na si Joshua Garcia, ngunit ito nga umano ay hindi pa niya nami-meet. Dagdag pa niya, nais din niyang ma-meet ng personal ang movie queen na si Vilma Santos na isa rin ngang Batanguena tulad niya.
Ang tunay na pangalan ni Queenay ay Queenee Pearl Mercado, kung saan maliban sa pagiging isang Tik Tok star ay uma-acting na rin siya ngayon. Siya ay kabilang sa sitcom ni Maja Salvador na OMK (Oh My Korona) ng TV5 at mayroon din nga umano siyang ginagawang Tik Tok series na entitled na “52 Weeks” na ayon sa kanya ay proyekto ng Puregold.
