Connect with us

Entertainment

Proud Dad si Kuya Kim Atienza Sa Kanyang Anak Na Lalaki At Ngayon Ay Isa Ng Lisensyadong Piloto

Published

on

Lahat ng mga magulang ay proud sa kanilang mga anak, lalo na sa mga nagiging achievement ng mga ito sa kanilang mga buhay. Kagaya na lamang ni Kuya Kim Atienza, na nito lamang nakaraan ay ibininandera kung gaano siya ka-proud sa anak niyang lalaki dahil sa nakamit nitong achievement sa buhay.

First flight with Jose as my pilot. Mama and I shall forever be the wind beneath your wings son!,” proud na pagbabahagi ni Kuya Kim. Sa kanyang Instagram account ay makikita ang naging pagbabahagi ni Kuya Kim ng larawan, kung saan ay makikita ang walang humpay niyang pagkakangiti habang pinagmamasdan ang anak niya na nagmamaneho ng eroplano habang siya naman ay makikita na nasa likod nito at tila nagsisilbi ngang pasahero nito.

Maliban sa kanyang anak, ay kasama rin nila ang isang mataas na opisyal na nakapuwesto rin sa front seat ng eroplano. Ang anak nga na ito ni Kuya Kim na tinutukoy niya na nagpapalipad ng eroplano, ay ang panganay niyang anak na si Jose III Hung Atienza. Sa kabila ng edad nito na 17-taong gulang at kasalukuyan ngang nasa Grade 12 pa lamang ay isa na itong lisensyadong piloto.

Ayon sa ulat, bata pa lamang ang panganay na anak ni Kuya Kim na si Jose ay pangarap na talaga nito ang maging isang piloto ng eroplano. Sa katunayan, sa kanyang social media account ay makikita na minsan na niyang ipinakita ang mga koleksyon niya ng mga laruang eroplano.

Si Jose ay nagsanay sa Leading Edge Aviation Academy na matatagpuan sa San Fernando City, La Union upang matupad ang kanyang pangarap na maging isang piloto. At dahil sa kanyang ipinamalas na dedikasyon at husay sa mga pinagdaanan niyang pagsasanay ay nagawa niya ngang makapagpalipad ng eroplano ng mag-isa, kaya naman ito na ang naging hudyat para ngayon taon ay makuha na niya ang pangarap at ito nga ay ang lisenya na maging isang piloto.

Hindi nga naman napigilan ni Kuya Kim na maging proud at labis na masiyahan para sa achievement na nakamit ng kanyang anak na si Jose, dahil sa murang edad nga nito ay naabot na nito ang pangarap.
Nagbigay payo naman si Kuya Kim para sa kanyang anak, at sinabi nga rito na huwag makalimot sa Poong Maykapal kahit na anumang tagumpay ang marating nito sa buhay.