Connect with us

Showbiz

Proud Step Mom Ngayon Si Heart Evangelista Sa Kambal Na Anak Ng Asawang Si Chiz Escudero

Published

on

Kilala ng publiko si Heart Evangelista bilang isang fashion icon, na namumuhay ngayon sa glits at glamour. Ngunit batid sa kaalaman ng marami sa atin, na hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya at tila perpekto ang buhay ng aktres. Dahil bago pa nga maranasan ni Heart ang masayang buhay niya ngayon sa piling ng kanyang asawa, ay dumaan muna rin siya sa mga pagsubok sa buhay.

Hindi naging lihim sa lahat sa atin, na ng makarelasyon ni Heart ang noon ay Senador pang si Chiz Escudero, ay hindi naging madali ang lahat sa kanilang dalawa. Tutol kasi ang mga magulang ng aktres sa pagmamahalan nila ni Chiz, kaya naman ng sila ay ikasal ay hindi rin dumalo ang mga ito.
Matatandaan na taong 2015 ng ikasal sa Balesin Island sa Polilo, Quezon sina Heart at Chiz, at ang relasyon nilang dalawa ay nagsimula pa noong taong 2012.

Matapos nga ang kanilang kasal, ay naging isang malaking hamon para kay Heart sa una ang pag-ganap niya bilang isang ‘stepmom’ sa kambal na anak ng kanyang mister sa dati nitong asawa.
Kamakailan nga lamang, ay ibinahagi ni Heart na ngayon sa kanyang buhay at sa ilang taon na rin nilang pagsasama ng asawa niyang si Chiz ay mas naging maayos na ang lahat. Magkaayos na sila ng kanyang mga magulang, at mas nakapag-adjust na rin siya sa buhay bilang misis nito at step-mother ng mga kambal nitong anak.

Sa YouTube vlog ng aktres, ay inamin niya na noong unang mga taon ng pagsasama nilang mag-asawa, ay nahirapan siya mag-adjust. Ito nga ay dahil bilang misis, ay marami siyang nais gawin kasama ang kanyang mister, ngunit dahil nga sa may kambal na anak ang asawa at kasama nila ito sa kanilang tahanan ay hindi naman niya magawa ang lahat ng bagay na nais niyang gawin kasama si Chiz.

“In the beginning, I must admit it was very, very hard for me to adjust because I’m the youngest of my siblings. And again, I never really had total freedom in my life. And then finally, when I was married, I had all the freedom”, ani ni Heart.

Pag-amin ni Heart, akala niya noong una ay magagawa na niya ang mga bagay na hindi niya nararanasan noong nasa poder siya ng mga magulang niya kapag naging mag-asawa na sila ni Chiz. Ngunit dahil nga sa ang kanyang asawa, ay may kambal na mga anak, na itinuturing na rin niyang anak ay may mga bagay pa rin siyang nais gawin kasama ito na hindi niya nagagawa. At ito nga ang isa sa mga dahilan kaya naman hindi rin naging madali nung una ang naging adjustment niya sa buhay mag-asawa nila.

Dagdag pa ng aktres, nung unang mga taon ng pagsasama nilang mag-asawa, ay aminado rin siya na nasa lebel pa siya ng pagka-immature, ngunit habang tumatagal ay mas natutunan na nga niyang i-balanse ang mga bagay bagay sa kanyang buhay, lalo na sa buhay niya bilang isang misis at stepmom ng kambal.

“But then you know, I couldn’t make out with my husband anywhere in the house we have kids. And that was really, really hard for me. I mean making out was not the hard part, I’m just saying that the set-up was such an adjustment because I really had to mature and wasn’t thinking my age. I was so more immature during those times. So it was really hard for me, I would cry”, pahayag pa ng aktres.

Ngunit ngayon nga na siya umano ay nakapag-adjust na sa buhay bilang misis ni Chiz at step-mother ng mga anak nito, ay masasabi nga niya na mas masaya ang kanyang buhay ngayon. Proud din siya bilang stepmom ng kambal na anak ng kanyang asawa, at nagpapasalamat siya dahil sa pamamagitan ng kambal na sina Quino at Chesi ay naranasan niya ang maging isang ina.