Showbiz
First Time Mom Roxanne Barcelo Proud Ipinakilala Sa Publiko Ang Kanyang Baby

Kamakailan lamang ay proud na ipinakita ng first time mom na si Roxanne Barcelo sa publiko ang kanyang panganay na anak, at ito nga ay si baby Cinco, na isang malusog at kyut na lalaking sanggol.
Si baby Cinco ay matatandaan na isinilang ni Roxanne noong ika-22 ng Mayo ng kasalukuyang taon. Matapos nga magsilang, ay hindi naman agad ipinakita ng aktres sa lahat ang buong mukha ng kanyang sanggol.
Samantala, isang buwan nga matapos ang kanyang pagsilang sa unang pagkakataon ay ipinakita na ni Roxanne ang buong mukha ng kanyang baby boy. Ito ay kanyang ginawa noong ipagdiwang nila ang unang buwang gulang ni baby Cinco. Sa Instagram account ni Roxanne ay masisilayan ang iba’t ibang mga kuhang larawan ng anak niyang si baby Cinco, na iba-iba pa nga ang anggulo.
Nilakipan naman ng aktres ng maikling mensahe ang mga larawan na ito ng kanyang anak na ibinahagi niya, kung saan ay kanya ngang sinabi na ng araw na ‘yon ay ang unang buwang gulang ng anak o ang ika-1st month old nito.
Makikita naman sa isa pang post ni Roxanne sa kanyang IG, kung saan ito nga ay ang kanyang larawan na kuha matapos niyang manganak at kitang kalong pa nga niya ang kanyang baby boy. Kalakip naman ng larawan na ito ay ang caption niya na nagsasabing babawi muna siya ng kanyang lakas bago iya ikuwento ang mga karanasan niya bilang isang first time mommy, mula nga ng araw ng malaman niya na siya ay buntis hanggang sa maipanganak na nga niya ang panganay na anak nila ng kanyang asawa.
Ibinahagi rin ni Roxanne ang kanyang pasasalamat sa kanyang asawa, dahil kahit na kailangan nito ng pahinga at bakasyon ay mas pinili umano nito na samahan siya at kanilang anak. Mensahe naman ng aktres sa kanyang mga tagahanga ay matagal na niyang pangarap sa buhay niya ang maging isang asawa at ina, kaya naman talagang napakasaya niya ngayon na ito ay nabigyan na ng katuparan.
Saad pa ni Roxanne, sa kabila ng hindi madali ang buhay at responsibilidad ng isang ina, ay alam niya naman na magiging ‘worth it’ ang lahat, dahil ibang iba nga naman ang kasiyahan na naibibigay sa buhay nilang mga-asawa ng anak nila.
Matatandaan na buwan ng Abril ng ibahagi ni Roxanne sa publiko na siya ay nagdadalang-tao, ito ay apat na buwan nga matapos niyang kumpirmahin sa publiko na siya ay ikinasal na isang non-showbiz personality. Hanggang sa ngayon naman ay hindi pa rin isinasapubliko ni Roxanne kung sino nga ba ang lalaking nakabihag sa puso niya, dahil ayon nga sa aktres masyadong pribado ang buhay ng kanyang asawa.
