Connect with us

Showbiz

Randy Santiago Ito Pala Tunay Na Dahilan Kung Bakit Ayaw Alisin Ang Kanyang Sunglasses

Published

on

Si Randy Gerard Legaspi Santiago o mas kilala ng madla bilang si Randy Sanntiago ay isang kilalang aktor, komedyante at singer. Siya ay nabibilang sa mga aktor sa showbiz na talaga namang umarangkada ang kasikatan noong kanyang kapanahunan.

Anak siya ng film director na si Pablo Santiago at aktres na si Cielito Legaspi, kaya naman hindi na nga nakapagtataka na nasa dugo na niya ang pag-aartista. Ang kanya ring dalawang kapatid ay parehong nasa mundo na ng showbiz, at ito nga ay sina Rowell Santiago at Raymart Santiago.
Samantala, maliban sa pagiging isang aktor at komedyante, ay may taglay na magandang tinig din si Randy Santiago, kaya naman may mga awitin din siyang pinasikat noon, at isa na nga sa mga ito ay ang awiting “Babaero at Hindi Magbabago.”

Mas lalo pa ngang nakilala ng publiko si Randy ng pasukin niya ang pag-hohosting, kung saan ay napabilang siya noon sa pinangtapat ng ABS-CBN sa Eat Bulaga ng GMA-7, at ito nga ay ang Magandang Tanghali Bayan o MTB kung saan ay isa siya sa mga naging co-host.

Magmula nga ng makilala nf madla si Randy ay naging kapansin-pansin na sa mga ito ang palaging pagsusuot ng aktor ng sunglasses, kung saan ito nga kailanman ay hindi niya tinatanggal kahit sa kanyang mga pelikula o Tv show. At tila nga ito na ang naging trademark ng publiko sa kanya.

Marami ngang mga tagahanga ng aktor, ang nagtatanong kung bakit hindi nga nito inaalis ang kanyang sunglasses. Kaya naman noon lamang nakaraan sa programa ng Magandang Buhay ng maging panauhin nito si Randy, ay ibinahagi ng aktor ang malalim na dahilan kung ano ang tunay na rason ng palagi niyang pagsusuot ng sunglasses.

Ikinuwento ni Randy sa programang Magandang Buhay, na noon siya ay nasa grade 2 pa lamang ay nagkaroon siya ng cyst sa kanyang mga mata at ito nga ay kinailangang operahan. Nilinaw niya na hindi umano totoo ang akala ng iba na nahulog siya sa motorsiklo kaya nagkaganun ang mata niya.

“Gusto niyong malaman ang tunay na nangyari sa mata, ito totoo, kasi yung iba inakala nila nahulog ako sa motorsiklo. Ang totoong nangyari sa mata ko, noong grade 2 ako nagkaroon ako ng cyst yung bukol sa may taas ng mata ko so the very first operation okey naman so kailangan ko umulit ng grade 2.”
Dagdag na pagbabahagi pa ng aktor, muling nanumbalik ang kanyang cyst sa mata kaya naman muli siyang inoperahan. At sa naging pangalawa nga niyang operasyon, ay nagkaroon na ng problema, kung saan matapos nito ay hindi na niya gaanong naimumulat ang kanyang mga mata.

“Tapos lumabas na naman yung cystso inoperahan na naman. Dun nadale yung parang pang kurtina, yun parang pang bukas sa kurtina, yun yung parang nadale ng doktor kaya hindi na bumuka, ngayon bumubuka pa naman kahit papano.” At dahil isang komedyante, kahit nga sa mga nagtatanong patungkol sa kanyang mata ay may nakakaaliw na sagot si Randy.

“Kaya pag tinatanong nila, ano yang mata mo 20-20 ba yan, hindi 20-10”, ang nagiging sagot nga niya.
Ibinahagi naman ni Randy na kahit na may pinagdaanan siyang problema sa kanyang mga mata, ay malaki ang kanyang pasasalamat dahil hindi niya naranasan ang ma-bully lalo na nung kanyang kabataan. Saad pa niya, hindi pa siya nagsusuot ng shades noon, kaya naman mapalad talaga siya dahil mababait ang mga naging kaklase niya, at naging maganda ang pagtrato sa kanya ng mga ito noon.

Ipinagpapasalamat din niya na sa kabila ng kanyang kundisyon sa mata, ay natagpuan naman niya ang isang babae na tanggap siya at mahal na mahal siya, at ito nga ay sa katauhan ng asawa niyang si Marilou Coronel. Silang mag-asawa ay nabiyayaan na rin ng tatlong mga anak.

Sa ngayon ay aktibo pa rin si Randy sa mundo ng showbiz, at kasalukuyan nating napapanood ang kanyang husay sa pagiging isang magaling na host sa programa ng TV5 na “Sing Galing”, isang Philippine singing reality game. Kasama niya sa programa na ito sina K Brosas at Donita Nose, mga mahuhusay ring komedyante, Tv host at singer.