Connect with us

Showbiz

Raymond Gutierrez Isina Publiko Na Ang Kanyang Foreigner Boyfriend

Published

on

Noong nakaraang taon ay matapang na inamin ng celebrity host at influencer na si Raymond Gutierrez ang tungkol sa kanyang tunay na kasarian o ang kanya ngang pagiging isang ‘gay.’ At ayon nga kay Mond, mula ng siya ay magpakatotoo sa sarili ay mas gumaan ang kanyang pakiramdam.
Sa isang panayam naman noon kay Mond ay naibahagi din niya na tanggap ng kanyang pamilya ang pagkatao niya, at masaya siya dahil suportado siya ng mga ito lalo na ang kanyang mga magulang at maging ang kanya ngang kakambal na si Richard Gutierrez.

Pagbabahagi pa ng ani Mond, as long as wala naman siyang tinatapakan o inaagrabyadong tao, ay deserve niya ang maging masaya at maging proud sa kanyang sarili sa kung ano siya. Samantala, nabanggit din ni Mond noon sa panayam sa kanya na siya nga ay mayroong partner, ngunit hindi niya pa isinnapubliko kug sino ito. At nito lamang nakaraan ay sinorpresa niya ang marami, lalo na ang kanyang mga tagahanga ng kanya na ngang isapubliko ang foreigner boyfriend niya.

Nito nga lamang nakalipas na araw ng Sabado, ay ipinagdiwang ng LGBTQ community ang ‘Pride Month’, at kasabay nga ng naturang okasyon ay ang buong pagmamalaki ngang pagr-reveal ni Mond sa kanyag Instagram ng hitsura ng partner niya. Makikita sa pinaka-latest Instagram ni Mond noong Sabado ang pagbabahagi niya ng larawan kung saan makikita nga na kasama niya ang kanyang partner habang sila ay sweet na sweet na magkahawak ng kamay na naglalakad sa dalampasigan.

“Celebrate your love! Happy Pride, Philippines”, saad ng celebrity host-influencer. Maliban pa sa naturang larawan, ay makiita rin ang pagbabahagi ni Mond ng photo booth snaps, kung saan naman makikita ang naging pagki-kiss nila ng partner niya. Naka-tag nga sa post na ito ni Mond ang user name na Robert William, na tila nga siyang pangalan ng partner niya. Sa comment section din kasi ng celebrity host ay makikitang nag-reply ang naturang username ng isang matamis na mensahe ngang ‘I love you.’

Bumuhos naman kaagad ang maraming reaksyon sa post na ito ni Mond, at ang karamihan ngang komento na mababasa ay mula sa kanyang mga kaibigan, kapamilya at tagahanga na nagpaabot ng suporta para sa celebrity host at sa buhay pag-ibig nga nito ngayon.

Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga taong malapit kay Mond. “Happy for you”, ang mababasang komento ng kakambal ni Mond na si Richard Gutierrez. “Soooooo soooo happy for you! Can’t wait to meet him”, ang naging komento naman ng kaibigan niyang aktres na si Anne Curtis. “The launch! Love it”, komento naman ng kaibigan ni Mond na si Wil Dasovich.