Connect with us

Showbiz

“Real Life Barbie” Barbie Imperial Nagmistulang Barbie Doll Sa Kanyang Photoshoot

Published

on

Labis na hinahangaan ng maraming netizens ang angking kagandahan ng aktres na si Barbie Imperial sa kanyang mga larawan na kinunan sa naging mala-fairy tale niyang birthday photo shoot kamakailan lamang.

Noon nga lamang ika-1 ng Agosto, ay ipinagdiwang ng ‘Bagong Umaga’ star na si Barbie Imperial ay kanyang ika-23 taong kaarawan. At tila naman talagang ito’y kanyang pinaghandaan, matapos nga niyang ibahagi ang naging mala-fairy theme niyang photo shoot na nagpa-wow sa publiko.
Makikita sa birthday photo shoot ng aktres na tila ito’y nagmistulang tunay na diwata, dahil maliban sa kanyang napakagdang kasuotan ay talaga namang ang kanyang kagandahan ay tila mahahalintulad sa isang marikit na diwata.

Ang kasuotan nga ni Barbie ay isang Tulle dress na hinago sa Disney character na si Tinkerbell, at ang back ground ng kanyang mga larawan ay tunay na kamangha-mangha dahil sa napapalibutan ito ng nag gagandahang mga bulaklak.

Kinunan naman ng photographer na si Shaira Luna ang napakagandang mga larawan na ito ni Barbie.
Samantala, sa kabila naman ng pagiging ‘Dreamy’ ni Barbie sa kanyang mga larawan, ay mababasa naman sa kanyang naging caption ang pagbibigay diin niya na maliban sa pagiging isa niyang ‘Dreamer’ ay pinagsusumikapan rin niya sa buhay ang mabigyang buhay ang lahat ng mga bagay na kanyang ninanais at pinapangarap.

“Fantasy offers possibilities and sparks the imagination. At a young age , I was fueled by a tales of the power of dreams. It coalesced with the beautiful reality inculcated in me – that dreams will remain dreams if you don’t work hard for them. I am a dreamer, but I also a doer.”
Dagdag na saad pa ng aktres, “In my fairytale fantasies and magical dreams, I wear a whimsical ensemble that sparkles with hope. I paint a world where visions turn into reality and imaginations becomes life. Sending my love to all the people who helped me flourish.”

Inilabas naman ni Barbie sa sumunod na layout ng kanyang birthday photoshoot ang mas “bold, fierce at fearless” niyang kagandahan, suot naman ang isang metallic cutout dress. Sa pareho ring layout ay naging hot at sexy naman ang arwa ni Barbie sa kanyang suot na crop top at drop maxi skirt.
Nagmistula namang isang ‘real-life Barbie’ ang aktres sa huling layout ng kanyang photoshoot, kung saan ay makikita all-pink Barby themed photo shoot habang nagmistula ngang isang tunay na Barbie doll si Barbie sa kanyang outfit at mga pose.

Positive vibes naman ang naging hatid para sa marami ng naging caption ni Barbie sa post niyang ito.
“You can be anything! Be your own doll, be who you want to be, and live your dream. Let your colorful imagination blossom into a bouquet of playful possibilities.” “I am Barbie”, ang naging pagtatapos nga ng aktres sa kanyang IG post. Narito naman ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens, na talagang napa-wow sa birthday photoshoot ng aktres. “LIVING DOLL!!!!” “Wow Barbie na Barbie” “Ganda literal na Barbie.”