Entertainment
Rich Asuncion Mayroong Sariling Bahay At Trabaho Sa Ibang Bansa

Nagbabago nga naman ang desisyon ng isang tao sa kanyang buhay, lalo na kapag dumating siya sa punto na mayroon na siyang sariling pamilya. Kapag ang isang tao ay pinasok ang buhay may pamilya, ay dito na nagbabago ang kanyang prayoridad at desisyon, sapagkat sa pagdedesisyon ay hindi na lamang ang kanyang sarili ang isasa-alaalang niya kundi kung ano ang batid niyang mas ikabubuti ng kanyang pamilya.
Halimbawa na lamang nito ay ang dating aktres na si Rich Asuncion, na nagdesisyong iwanan ang kanyang showbiz career sa Pilipinas upang manirahan na sa ibang bansa kasama ang kanyang binuong pamilya.
Matatandaan na si Rich Asuncion ay unang nakilala ng publiko ng siya ay sumali sa Bb. Pilipinas noong taong 2009. Pinasok naman niya ang mundo ng showbiz nung siya ay sumali sa ‘Starstruck’, kung saan nga siya ay hinirang bilang ‘First Princess’.
Nang bumuo na nga ng kanyang pamilya si Rich, ay dito na siya nagdesisyon na iwanan ang kanyang karera sa mundo ng showbiz. Ito nga ay upang manirahan na sa ibang bansa kasama ang kanyang pamilya, at doon ay mamuhayng simple.
Batid ng marami sa atin na hindi ganoon kadali ang magdesisyon na manirahan sa ibang bansa ‘for good’ lalo na nga’t malalayo ka sa iyong kinagisnang pamilya. Ngunit para sa ikabubuti ng kanyang binuong pamilya, lalo na ng kanyang mga anak, ay pinili nga ni Rich na iwan ang kinagisnang buhay sa Pilipinas upang magsimula ng simpleng buhay sa ibang bansa.
Samantala, dahil naman sa naging kasipagan ni Rich at ng kanyang asawang si Benj Mudie, ngayon nga ay may naipundar na silang sarili nilang bahay sa bansang Australia, kung saan dito nga silang mag-anak bubuo ng mga magaganda at maraming ala-ala.
Maliban pa sa pagbabahagi ng pagkakaroon nila ng sariling bahay sa bansang Australia kung saan na sila naninirahan ngayon ng kanyang asawa at anak, ay masaya ring ibinahagi ng dating aktres na muling madaragdagan ang miyembro ng kanilang pamilya sapagkat kanya ngang ipinagbubuntis ang magiging pangalawang supling nila ng kanyang asawa.
Makikita sa Instagram ni Rich ang naging pagbabahagi niya ng mga larawan nilang pamilya na kuha sa kanilang bagong bahay. At masisilayan sa kanilang mukha ang labis na kasiyahan sa masaya at simpleng buhay na mayroon sila ngayon sa ibang bansa.
Si Rich Asuncion ay ikinasal sa asawa niyang si Benj Mudie noong taong 2018, at sila ngang mag-asawa kasama ang panganay nilang anak ay naninirahan na ngayon sa Canberra, Australia. Kamakailan lamang naman ng ibahagi ni Rich ang pagtatrabaho niya bilang isang waitress sa isang restaurant sa nasabing bansa.
