Connect with us

Entertainment

Robi Domingo Ipinasilip Ang Malawak At Nakakarelaks Na Farm Ng Kanyang Pamilya Sa Bulacan

Published

on

Si Robi Domingo ay kilala ngayon ng publiko bilang isa sa mga mahuhusay na VJ at TV host n reality talent competition ng Kapamilya Network na Pinoy Big Brother. Ang kanyang karera sa mundo ng showbiz ay matatandaang nagsimula noong siya ay nagwagi bilang 1st runner-up sa PBB: Teen Edition Plus.

Magmula nga noon ay tunay na napakalayo na ng narating ng karera ni Robi at sa natamo nga niyang kasikatan ay nakamit din nga ng kanyang pamilya ang maganda at marangyang buhay dahil na din sa pagtutulungan nila at pagsusumikap sa buhay.

Samantala, kamakailan nga lamang sa unang pagkakataon ay proud na ipinasilip ng PBB host na si Robi Domingo sa publiko ang isa sa mga ari-arian na napundar ng kanyang pamilya at ito nga ay ang kanilang malawak, maganda at sobrang nakakarelaks na farm na tinatawag nilang “The Eusebios Big Ben Farm” na matatagpuan sa Pulilan, Bulacan.

Noon ngang ika-9 ng Abril ay nagbahagi ng kanyang bagong video vlog si Robi at dito nga niya ipinasilip sa madla at marami niyang mga taga suporta ang kanilang farm. Ibinahagi rin ng PBB host na ang pangalan ng kanilang farm ay inihango sa Big Ben of London na siyang pinakamamahal umano ng kanyang tita.

“My Tita yung inspiration dun, she loves the Big Ben of London and then ginamit niya yung pangalan na ‘yun sa iba’t ibang business ng mga family namin”, saad ni Robi. Dagdag pa niya, “Never ko tong ni-release kasi ayaw nilang sabihin but they finally said yes and sinabi nila na ‘Sige we can talk about the fruits of our labor”. Ayon pa nga kay Robi labis ang kasiyahan niya dahil nabigyan nga siya ng pagkakataon na ipakita sa publiko ang Pulilan, Bulacan dahil dito nga siya lumaki.

“Pulilan is one of the places closest to my heart kasi dito ako lumaki about 3 years of my life in my mom side.’ Isa naman sa mga ipinagmamalaking ipinakita ni Robi sa kanilang farm ay ang chicken farm nila, kung saan ayon sa kanya ang mga alaga niyang napakaraming mga manok rito ay hindi pang business kundi para lamang sa kanilang personal consumption. Maliban pa sa chicken farm nila, ay ipinakita rin ng PBB host ang ilan pa ngang nakakamanghang bahagi ng kanilang farm, kagaya na lamang ng piggery farm, memorial area, at training field na ayon sa kanya ay dating polo area ng kanilang pamilya.