Connect with us

Showbiz

Ronaldo Valdez Hinangaan at Kinamanghaan Ng Mga Netizens Dahil Sa Mga Throwback Na Litrato

Published

on

Kung ang pag-uusapan ay husay sa pagiging isang aktor, isa sa mga nangunguna riyan ay ang beteranong aktor na si Roland James Gibbs o mas nakilala nga ng publiko sa kanyang screen name na Rolando Valdez. Si Rolando Valdez ay isinilang sa Sampaloc, Manila noong ika-27 ng Nobyembre taong 1947. Taong 1966 ng pasukin niya ang mundo ng showbiz, kung kaya naman ay nasa mahigit limang dekada na siyang aktor. Siya ay ikinasal kay Maria Fe Gibbs.

Tila nga ang pagiging isang mahusay na aktor ni Rolando ay namana rin ng kanyang mga anak, sapagkat maging ang mga ito ay pinasok rin ang mundo ng showbiz, at nakamit rin ang kasikatan kagaya niya. Ang aktor, komedyante at mang-aawit na si Janno Gibbs ay isa nga sa mga anak ni Rolando, at isa pa nga sa kanyang mga anak ay si Melissa Gibbs.

Minsan ng naiulat noon na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Rolando at kanyang anak na si Janno Gibbs, ngunit sa ngayon ay nagkaayos na nga ang mag-ama. Aminado ang beteranong aktor na sa hindi nila pagkakaunawaan ng anak niyang si Janno, ay siya ang nagkamali kung kaya naman siya ang kailangan na humingi ng tawas sa kanyang anak. Saad pa niya, hindi dahil siya ang ama at nakatatanda ay laging siya ang magiging tama, sapagkat nagkakaroon din naman talaga siya ng pagkakamali, kung kaya naman sa pagkakataon na siya ang may mali, ay kailangan niyang himingi ng paumanhin sa kanyang anak.

“Sabi ko nga ay just because you’re older doesn’t mean you’re wiser. And just because you’re a parent doesn’t mean you’re always right,” ani Rolando. nSamantala, may isang video naman na ginawa ang isang netizens, kung saan ay pinagsama-sama nga nito ang mga larawan ni Rolando Valdez magmula ng kabataan nito hanggang sa kasalukuyan na ito ay may edad na.

Agad namang napansin ng maraming mga netizens ang angking kagwapuhan ni Rolando, lalo na noong kanyang kabataan. Ang iba pa nga ay nagsabing kamukha ng beteranong aktor ang mga gwapo ring aktor na sina Ian Veneracion, Jestoni Alarcona t EJ Falcon. Ang iba rin ay nagbigay komento na tila nga hindi kamukha ni Rolando ang kanyang anak na si Janno Gibbs.

Sa kasalukuyan ay aktibo pa rin si Rolando Valdez sa kanyang acting career, kung saan siya nga ay napapanood natin sa TV 5 network, bilang isa sa mga cast ng John En Ellen, ang pinagbibidahan nina John Estrada at Ellen Adarna. Ginagampanan niya ang pagiging si Don Lucky.