Connect with us

Entertainment

Rufa Mae Quinto Ipinasilip Na Sa Publiko Ang Napakagandang Tahanan Nila Sa Amerika

Published

on

Nakilala si Rufa Mae Quinto dahil sa kanyang husay bilang actress-comedienne, lalo na’t taglay niya ang pagiging isang likas na komedyante na nakapagpapasaya at nakapagbibigay katatawanan sa mga manonood, na kitang-kita naman sa mga pelikula na kanyang ginawa.
Dahil sa kanyang husay sa pagiging isang komedyanteng aktes, hanggang ngayon ay isa pa din siya sa patuloy na inaabangan ng maraming mga manonood na muling masisilayan sa mga pelikula o palabas sa telebisyon. Samantala, dahil sa naging pagsusumikap ni Rufa Mae Quinto sa kanyang trabaho bilang isang artista,
ay natupad na nga niya ang kanyang mga pangarap sa buhay, at ito ay magkaroon ng maganda at maayos na buhay. Maliban pa dito, ay happily married na rin ngayon ang actress-comedienne sa kanyang asawang si Trevor Magallanes, at sila nga ay mayroon ng anak, isang babae na si Athena.

At bilang paghahanda sa kinabukasan ng kanilang pamilya, ay nagsimula na si Ruffa na magpudar ng mga ari-arian nila, tulad ng pagpapagawa ng kanilang sariling bahay.

Bukod nga sa bahay na kanyang ipinagawa dito sa Pilipinas, ay mayroon na sing sariling bahay sa Amerika ang mag-asawa, na siyang labis na ipinagpapasalamat at ikinatuwa ni Ruffa sa asawang si Trevor.

Sa kanya ngang social media account ay ipinasilip ni Rufa ang kanilang bagong tahanan sa Amerika, kung saan ay kinukumpleto pa lamang umano nila ang mga kagamitan na ilalagay nila rito.
Ngunit bago pa nga niya ipinasilip ang ilang parte ng kanilang bahay sa Amerika, ay pinasalamatan muna niya ang kanyang asawa, sa naging pagsusumikap nito na mabigyan sila ni Athena ng isang kumportable at magandang bahay.

“Ang pagmamahal nga naman,,, We are so happy to be here in USA with you! Thanks for taking care of us! Thanks for the new house, for working hard, for providing.” “So much love in our hearts and joy for our wedding anniversary, your birthday and Thanksgiving gift from you to me.”

Kasama ang anak na si Athena, ay ipinasilip na ni Rufa Mae sa publiko ang loob ng kanilang bagong bahay sa Amerika. Ilan nga sa mga parte ng bahay na kanilang pinasilip ay ang kanilang kitchen at ang magiging kwarto ni Athena.

Hindi nga lubos maisip ni Rufa Mae Quinto na ngayon lahat ng pinapangarap lamang niya sa buhay noon, ay kanya ng nakakamit. Mula sa sa mga paghihirap na kanyang pinagdaanan, ay labis na kasiyahan ngayon ang kanyang nadarama dahil sa isang magandang buhay ang nakamit niya, kasama niya pa ang kanyang pamilya.

“Ang sarap lang ng feeling na makakamit din natin ang minimithi,… konting tyaga, keep the faith and work hard and sacrifice.. long wait is over! Finally! Yasss! From LDR TO LOCKDOWN again in the bay with Rufa Mae today and every day! All the way