Showbiz
Ruffa Gutierrez Masaya Sa At Kuntento Sa Buhay Bilang Single Mom Basta’t Kasama Ang Dalawang Anak

Sa isang vitual conference noon sa isang serye ng TV5 ay inamin ng aktres na si Ruffa Gutierrez na ang anim na taong relasyon nila ng kanyang French-Israel ex-boyfriend na si Jordan Mouyal na isang businessman. Ayon kay Ruffa sa kabila ng pagiging ‘single’ niya muli ngayon ay masaya pa rin ang kanyang buhay. Dagdag pa nga niya, noong maghiwalay sila ng ex-boyfriend na nga niyang si Jordan ay para siyang nabunutan ng tinik.
Matatandaan kasi na hindi boto ang ina ni Ruffa na si Anabelle Rama sa relasyon ng aktreskay Jordan. Ibinagagi naman ng aktres, na ginawa naman nila ng dating nobyo ang lahat upang mag-work ang kanilang relasyon at maipakita sa kanyang ina na tunay ang kanilang pagmamahalan. Ngunit tito nga ay nauwi pa rin sa hiwalayan.
Ngayon umano ay wala pang plano na makipagrelasyon muli si Ruffa, at mas nais muna umano ng aktres na bigyang pokus ang kanyang sarili, lalo na ang trabaho niya at kanyang dalawang anak na babae na sina Lorin Gabriella at Venezia Loran.
Matatandaan na si Ruffa ay nagkaroon ng dalawang anak na babae sa dati niyang asawa na si Yilmaz Bektas, isang Turkish Businessman. Taong 2003 ng ikasal siya kay Yilmaz, ngunit matapos nga ang apat taong pagsasama bilang mag-asawa ay nauwi rin sa hiwalayan noong taong 2007.
Para nga kay Ruffa, sa ngayon ay masaya siya sa buhay niya bilang single mom lalo na’t kasama niya ang kanyang dalawang anak.
Samantala, ilan nga sa mga aktor na nakarelasyon ni Ruffa ay sina Zoren Legaspi, Aga Muhlach at John Lloyd Cruz. Paglalahad ng aktres, wala siyang sama ng loob sa mga nakarelasyon niya dati, dahil ayon sa kanya ng makarelasyon niya ang mga ito ay madami rin siyang natutunan sa buhay pag-ibig.
Dagdag pa ng aktres, aminado naman siya na naging masaya rin naman siya sa piling ng mga ito noon, at sa buhay nga ng tao, ay talaga namang kinakailangan ang mag-move on. Para rin sa aktres, may tamang panahon na darating sa kanya ang tamang lalaki na makakasama niya habang-buhay.
Ibinahagi naman ni Ruffa, na kung sakaling siya ay umibig muli, sisiguraduhin niya na ang lalaki ng ito ang kanyang magiging forever, dahil sa ilang taon na nga lamang ang bibilangin ay nasa edad 50 na siya.
Nang makapanayam nga si Ruffa sa programang “Magandang Buhay” ni momshie Karla Estrada ay naitanong sa kanya kung may balak pa ba siyang magka-boyfriend, at ito nga ang naging pahayag niya.
“Alam mo ang puso kasi hindi natuturuan e, hindi mo naman kas kailangan sabihin na ituro yun na, ‘ay kailan ka pwedeng umibig, diba, one year from now, one day from now. It’s okay something na hindi mo makontrol!”, saad ni Ruffa.
