Connect with us

Showbiz

Ruru Madrid Akalain Nyong May Napakagandang Kapatid Na Babae

Published

on

Ang 24-taong gulang na Kapuso hunk actor na si Ruru Madrid ang isa sa mga hinahangaang matinee idil ngayon sa telebisyon. Siya ay unang nakilala noong taong 2012 ng sumali siya sa “Protégé: The Battle For The Big Artista Break”, isang reality talent show, kung saan ang tinanghal na grand-winner ay si Jeric Gonzales, at siya naman ay isa sa mga naging runner-up. Matapos ang kumpitisyon na ito na nilahukan ni Ruru, ay maraming mga opurtunidad naman ang nagbukas sa kanya sa mundo ng showbiz.

Isa nga sa mga naging unang proyekto ni Ruru Madrid na talaga namang tumatak sa maraming mga manonood ay ang naging mahusay niyang pag-ganap ng karakter bilang si Ybarro o Rama Ybrahim sa fantaserye noon ng Kapuso network na “Encantadia” taong 2016. At dahil nga sa kanyang ipinamalas na husay sa nasabing serye ay nagkamit siya ng parangal noong taong 2017 bilang Best Drama Actor sa 31st PMPC Star Awards for Television.

Samantala, maliban kay Ruru ay mayroon na naman ngang panibago ng kanilang pamilya ang ngayon ay sumabak na rin sa mundo ng showbiz para maging artista, at ito nga ay ang kanyang napakagandang kapatid na si Athena Merrique Madrid. Hindi pa man sumasabak sa pag-aartista si Athena, ay agad na niyang nakuha ang atensyon ng mga netizens dahil sa naging agaw-pansin niyang kaseksihan at kagandahan. Noon ngang taong 2018, ay sumabak siya sa pagmomodelo, kung saan ay kabilang nga siya sa mga nag-gagandahan at nagseseksihang modelo na rumampa noong Bench fasion Show.

Taong 2019 naman ng sumali ang dalaga sa reality TV show na Starstruck Season 7, kung saan ay nakilala naman siya sa kanyang stage name na “Rere”. Sa nasabi ngang kumpetisyon ay ipinamalas ni Athena ang kanyang husay sa pagkanta at pag-arte.

Hindi naman maikakaila na malaki ang pagkakahawig ni Athena sa kanyang Kuya na si Ruru Madrid, at kagaya nito ay mayroon ding sariling talento na maipagmamalaki ang dalaga.
Sa kabila naman ng hind sinuwerteng manalo sa nasabing kumpetisyon si Athena, ay marami namang mga opotunidad ang sa kanya ay nagbukas, kung saan isa na nga sa mga ito ay ang unti-unti na niyang pag-gawa ng kanyang sariling pangalan sa showbiz.

Kamakailan nga lamang ay inanunsyo ng Kapuso network na sa kanilang upcoming teleserye na “To Have And To Hold”, ay isa sa Athena sa mga artista na mapapanood kung saan ay makakatambal nga nito si Luis Hontiveros, isa sa mga hunk actor ngayon. Maging sa social media nga ay nakikilala na rin si Athena, at kamakailan nga lamang ay ipinagdiwang niya ang pagkakaroon ng 300k followers sa kanyang Instagram.