Connect with us

Entertainment

Ruru Madrid At Bianca Umali Pinakilig Ang Mga Instagram Followers Ng Mag Jogging Sa Gitna Ng Ulan

Published

on

Wala pa man ngang direktang inaamin sa publiko ang mga Kapuso star na sina Ruru Madrid, 22 at Bianca Umali, 20 patungkol sa kanilang tunay na relasyon ay patuloy naman ang pagiging sweet ng Kapuso actor sa actress.

Noon ngang ika-29 ng Enero 2021, araw ng Biyernes, ay isang solo photo niya ang ibinahagi ni Bianca Umali sa kanyang social media account, kung saan makikita na tila galing siya sa isang pictorial. Kalakip nito ay isang heart emoji caption.

Makikita naman na isa sa mga top comments nito, ay mula sa Kapuso actor at humored boyfriend niyang si Ruru Madrid, na ang naging komento ay ang pagtawag sa kanya ng “My-hal” na may kasama pang laughing with tears emoji at red heart emoji. Sa kabila naman na walang eksplenasyon si Ruru sa komento niyang ito, ay tila naman mula ang mga ito sa world play na salitang “my” at “mahal”.

Wala namang anumang reply mula sa Kapuso actress, ngunit isa umano ito sa 471 na nagbigay ng “Like” reaction sa komento ni Ruru.

Hindi naman napigilan ng mga follower’s ng dalawa ang kiligin sa naging komento ni Ruru sa larawan ngang ito ni Bianca, at marami nga sa mga ito ang napa-comment ng ‘sana all’.
Samantala, mapapansin naman na madalas ang pagpapakita ng pagsinta ni Ruru kay Bianca sa Instagram.

Matatandaan naman na noong buwan ng Nobyembre 2020 sa The Boobay and Tekla Show, ay nakapanayam si Ruru, kung saan siya ay inusisa ng host ng nasabing show patungkol sa mga sweet na larawan nilang dalawa ni Bianca sa kani-kanilang social media account.

Sa nasabi ngang panayam, ay hindi sinabi ni Ruru kung sila na nga ba ni Bianca Umali, ngunit inilahad niya na silang dalawa ng actress ay may espesyal na pagtingin sa isa’t isa.
“Wait lang po, may lilinawin lang po ako, ha. Wala naman po kaming inamin ni Bianca.”

“Hindi naman po kami open sa relationship. Basta kung ano pong nakikita niyo, iyon na lang talaga.”
Halos mahigit dalawang taon na ngang napapabalitang may relasyon na ang dalawa. At noon nga umanong buwan ng Oktubre taong 2018, ay lumabas pa ang balita na nagpalagay sina Ruru at Bianca ng matching rose tattoos.

Sa kabila naman ng wala pang pag-amin kung ano ang tunay na estado ng kanilang relasyon, ay masaya pa rin ang maraming tagahanga ng dalawa , dahil sa nakikita nila sa mga ito ang matamis na samahan nila, lalo na’t madalas silang magbahagi ng larawan na kasama ang isa’t isa.