Connect with us

Entertainment

Ryan Agoncillo Tunay Namang Kahanga Hanga Pa Rin Ang Taglay Na Kagwapuhan Sa Edad Na 43 Taong Gulang

Published

on

Tunay namang pagpapala ang araw-araw na ipinagkakaloob sa bawat isa sa atin na nakakasama natin ang ating pamilya, sapagkat isa nga ito sa mga bagay na kailanman ay hindi mabibili ng anomang kayamanan sa mundo, pagkat mismong ang atin na ngang pamilya ay ang pinakamahalagang kayamanan na itinuturing natin sa ating buhay.

Ibang iba nga naman ang kasiyahan na nadarama natin kapag kumpleto ang ating pamilya at sila ay nakakasama natin sa araw araw lalo na sa mahalagang pangyayari o okasyon sa ating buhay. Kaya naman ang kapamilya actress na si Judy Ann Santos ay talagang malaki ang pasasalamat sa Poong Maykapal dahil sa biyaya sa kanya nito na isang masayang pamilya, sa piling nga ng kanyang mister at mga anak.

Kamakailan nga lamang sa isang latest post ni Judy Ann o mas kilala sa tawag sa kanya na Juday ay makikita ang pagbabahagi niya ng mga larawan ng kanyang buong pamilya, at may isa namang larawan na nakatuon talaga ang pagkuha sa kanyang mister na si Ryan Agoncillo, isa sa mga aktor at host na kilala sa mundo ng showbiz.

Sa caption ni Juday, ay ipinarating nga niya ang pagbati niya sa kanyang asawa na nagdiriwang ng ika43 taong kaarawan. “My life, my heart, my soul, a wonderful father to out [three] beautiful amazing children. You are and will always continue to God’s biggest blessing”, sinulat ni Judy Ann sa caption ng kanyang IG postb bilang pagbati sa kanyang mister na si Ryan Agoncillo.

Maliban pa dito, ay pinakita rin nga ng Kapamilya actress ang ilang mga larawan ng kanyang pamilya, kung saan ay makikiita nga kung gaano karesponsable at cool na ama ang mister niyang si Ryan sa kanilang mga anak. Tila nga kahit sobrang abala ng actor-host sa kanyang trabaho sa mundo ng showbiz, ay hindi pa rin nito nakakaligtaan na magkaroon ng sapat na panahon at oras para sa kanyang pamilya, lalo na nga sa kanyang mga anak.

Marami namang mga personalidad sa showbiz ang nagpaabot ng kanialang pagbati para kay Ryan na nagdiriwang nga ng kanyang ika-34th birthday. Ilan sa mga bumati ay sina Pia Guanio, China Cojuangco, Gladys Reyes at marami pa ngang iba. Maging ilan sa mga fans ni Ryan ay makikita ring nagkomento ng pagbati para sa kanilang idolo.

Samantala, kahit naman nasa edad 43 na ngayon si Ryan Agoncillo, ay hindi naman mapaghahalata sa actor host ang kanyang edad, dahil tunay namang taglay pa rin niya ang kagwapuhan na hindi lang bumihag sa puso ng mahal niyang misis na si Juday, kundi hinangaan din ng marami niyang mga tagahanga.