Connect with us

Showbiz

Ryan Bang Ibinahagi Ang Mga Naging Karanasan Noong Panahong Hirap Pa Sa Buhay

Published

on

Marami tayong mga tinitingala at hinahangaang personalidad sa showbiz, at ang iba nga sa kanila ay talaga namang napakasikat na at marami ng tagumpay sa buhay ang natamasa. Ngunit sa kabila nito, batid rin natin, na marami sa mga sikat na personalidad sa showbiz ang bago pa man narating ang marangya aat magandang buhay na tinatamasa nila ngayon, ay maraming mga pagsubok sa buhay muna ang kanilang pinagdaanan. At isa na nga sa mga ito, ay ang It’s Showtime host na si Ryan Bang.

Matatandaan na si Ryan Bang ay unang nakilala ng madla, ng siya ay maging isang housemate’s ng reality Tv show na Pinoy Big Birother ng ABS-CBN network. At ng makalabas na nga ng Pinoy Big Brother House dito na nagbukas sa kanya ang oportunidad sa industriya ng showbiz, kung saan nagkaroon siya ng mga proyekto hanggang sa tuluyan siyang maging isa sa mga sikat a TV host.

Dahil sa kanyang angking galing sa pagpapatawa at sa kanyang pagkabulol sa pagsasalita ng Pilipinong Wika ay naging patok nga siya sa maraming mga manonood. At siya nga ay mas lalo pang minahal ng maraming mga Pinoy, dahil sa kabila ng kanyang pagiging isang Koreano, ay ipinakita niya ang pagmamahal niya sa ating bayan at kultura.

Samantala, tulad nga nga ibang celebrity, ay isa rin si Ryan Bang sa mga personalidad sa showbiz, na sa kabila ng kasikatan na tinatamasa ngayon ay mayroon din siyang mga dinaanang paghihirap sa buhay noong siya nga ay nasa sarili pa niyang bansa sa Korea.

Kamakailan nga lamang ay nakapanayam si Ryan Bang ni Ogie Diaz sa vlog nito, at dito na nga naikuwento ng It’s Showtime host ang naging karanasan niya sa buhay niya noon.
Hindi lingid sa kaalaman ng marami sa atin na naging nasalimuot pala ang naging buhay niya noon sa bansang Korea. Sa murang edad niya ay naghiwalay ang kanyang mga magulang, at ang kanyang ama nga ay nag-iwan ng maraming utang.

Pagbabahagi ni Ryan, para maitaguyod sila noon ay iba’t ibang mga trabaho ang pinasukan ng kanyang ina , at dahil sa mga pagkakautang na naiwan ng kanyang ama, pati ang kanilang mga ari-arian ay kinuha rin sa kanila ng bangko. Ayon pa kay Ryan, naranasan niya din noon na manirahan sa basement at maging sa isang silid ng kanilang paaralan. Ngunit dahil sa murang edad pa lamang niya noon ay hindi niya pa naiintindihan ang naging sitwasyon nila ng mga panahong ‘yon.

Taong 2005 ng magpunta si Ryan at ang kanyang ina sa Pilipinas, upang magbakasyon lamang sana. Sila ay nanuluyan sa kaibigan ng kinakasama ng kanyang ina, ngunit sa pagdaan nga ng araw ang dapat na bakasyon nila ay nauwi na sa pananatili sa ating bansa, kung saan dito na nga ipinagpatuloy ni Ryan ang pag-aaral niya sa high school.

At ang naging pagkakapasok nga ni Ryan sa Pinoy Big Brother House bilang housemates ang nagpabago sa takbo ng buhay nila. Maituturing nga na sa tinatamasa niya ngayon, ay siya ang isa sa mga pinakamatagumpay sa kanilang batch sa PBB.