Connect with us

Inspiring

Sa Kabila Ng Tagpi-Tagpi Nilang Bahay Isang Estudyante Ang Ipinagmamalaking Isinabit Ang Kanyang Tarpaulin Na Isa Ng Ganap Na Engineer

Published

on

Maraming beses ng pinatunayan ng ilang mga estudyante, na ang kahirapan ay hindi kailanman magiging hadlang sa kanila na tuparin ang kanilang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang propesyon balang araw.

At muli, ay isa na naman ngang kwento ng inspirasyon ng isang estudyante na matagumpay na natupad ang kanyang pangarap sa kabila ng kanilang payak na pamumuhay ang atin ngayong matutunghayan.

Bagong inspirasyon na naman nga ang naging hatid sa mga netizens ng estudyanteng kinilalang si Crystalle Mae Manalo, dahil sa kabila ng mga pagsubok na kanyang pinagdaanan sa kanyang naging pag-aaral dahil sa kahirapan ng kanilang pamilya, ay,matagumpay naman niyang natapos ang kanyang pag-aaral, at ang pinaka nakabibilib pa ay nagawa niyang mapasa ang board eksam.

Bagama’t payak ang pamumuhay ng pamilya nina Crystalle, at nakatira lamang sila sa isang maliit na tagpi-tagping bahay, ay buong pagmamalaki niyang isinabit dito ang kanyang tarpauline, na nagpapakita na nakamit na niya ang kanyang pangarap na maging isang propesyonal na engineer.

Kahit pa nga ba tinutulan ng kanyang lola ang pagsabit niya ng kayang tarpaulin, ay hindi nagpatinag ang dalaga, bagkus ay sinabit niya ito sa labas ng kanilang tahanan, kahit pa nga ba tagpi-tagpi lamang ito.

“Ok lang kaya yan na sa barong-barong natin ilagay yang tarpaulin mo? Makikita ng mga tao na tagpi-tagpi yung bahay natin”, ang naging saad nga ng nanay ni Crystalle sa kanya.

“Nay yan ang pinakamagandang tagpi na nailagay natin. Salamat, Nay … sa lahat”, ang naging kasagutan naman ni Crystalle sa kanyang ina, kasabay nga ang buong pasasalamat niya sa naging pagsasakripisyo nito para siya’y makapag-aral.

Bumuhos naman ang mga papuri at paghanga para kay Crystalle ng mga netizens, dahil nga talagang nakaka-antig ang naging kwento ng kanyang pagtupad sa kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral at maging isang ganap na enhinyero.

Proud na proud naman ang lola ni Crystalle para sa kanya, na si Lola Gloria. At isang mensahe ng kaligayahan at paghanga sa naging tagumpay ng kanyang apo ang kanyang ibinahagi sa kanyang Facebook account.

“Ganito pala ang nararamdaman mo na malaman na iyong apo isa sa mga pumasa sa board eksam. Naiisip ko iyong mga nangyari sa buhay naming dalawa na tuwing bayaran sa school wala kaming pambayad, puro pakiusap na lang. Eto na ngayon puro dasal na lang ang ginawa namin para makamit na niya iyong maging engineer. Salamat, Lord, hindi mo pinabayaan ang apo ko”, post ni Lola Gloria.

Samantala, base naman sa naging komento ng Tito Nowie Cruz Malonzo ni Crystalle, ay sinabi nito kung gaano siya ka-proud sa tagumpay na nakamit ng kanyang pamangkin. Lalo pa nga’t alam niya kung ano ang mga pinagdaanan nito sa buhay.

Ayon nga sa naging komento ng Tito Nowie ng dalaga, ay napakapursigido at sipag talaga ni Crystalle sa kanyang pag-aaral. At kahit pa nga talagang hirap sila sa buhay na matustusana ang kanyang pag-aaral, ay nagawa nitong pagsabayin ang pagtatarabaho upang sa ganoong paraan ay matulungan ang sarili na makatapos.

Nagbigay naman ng kanyang pahayag si Crystalle ng siya ay makapanayam ng Buzzoks, kung saan ay kanyang ibinahagi ang ilan sa mga pinagdaanan niya sa buhay para lamang makapagtapos ng pag-aaral, at makamit ang pangarap niyang maging isang engineer.

“I’m overwhelmed right now?? Thank you for featuring me. At first, I didn’t expect it to be viral, but now it’s totally reaching many people. ..

“Yun po nasa picture, tinitirhan namin ng lola ko at hindi ko kinakahiya yun… Marami po ako kaklase na nagpapasalamat sa akin at doon sa puting lamesa na nasa picture… marami na po kasi ako natutoran doon. Gawain ko po kasi turuan yung mga kaklase ko na medyo nahihirapan sa klase.. doon rin po namin nagawa thesis namin.

Dagdag na pahayag pa ng dalaga, simula first year hanggang third year college, ay naging scholar siya ng kanilang paaralan, kung saan ay discounted ang kanyang tuition dahil sa pagiging isa niyang dean’d lister.

Kwento pa ni Crystalle, nairaos niya rin ang natitirang bayarin sa kanyang tuition, dahil sa utang. Nagtitinda rin umano siya sa klase noong siya ay nag-aaral, upang makadagdag pa sa kanyang income, para sa ibang gastusin sa paaralan tulad ng mga pag-photocopy.

Lumaki umanos siya sa pangangalaga at pag-aaruga ng kanyang lola, dahil noong bata siya ay naghiwalay ang kanyang mga magulang. Dahil sa pagiging single parent ng kanyang ina, ay hindi na nito nakayang tustusan ang kanyang pag-aaral, at ang lola na nga niya ang umako sa kanya, at nagpatuloy sa resposibilidad na siya ay mapag-aral.

Si Crystalle ay nakapagtapos ng BS Mechanical Engineering sa College de San Juan de Letran sa Calamba, kung saan sa kanyang naging pagtatapos ay nakakuha siya ng parangal na “Academic Excellence Awardee.”