Connect with us

Showbiz

Scarlet Snow Belo Ang ‘Lucky Charm’ At ‘Precious Gem’ Ng Mga Magulang Na Sina Dra. Vicki Belo At Hayden Kho

Published

on

Kilala ng publiko si Scarlet Snow Belo bilang isa sa mga kinagigiliwang celebrity kids ngayon. Siya ay ang nag-iisang anak ng mag-asawang doktor na sina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho. Maraming mga netizens at kahit mga celebrity ang tunay na naaaliw kay Scarlet Snow Belo, ito ay dahil maliban sa taglay niyang ka-charmingan at kakyutan, ay talaga namang namana rin niya sa kanyang mga magulang ang pagiging isang matalino at pagiging mabuti sa kanyang kapwa.

Lingid sa kaalaman ng marami, si Scarlet Snow ay isinilang sa pamamagitan ng ‘surrogacy’ noon ngang buwan ng Marso taong 2015. At nito nga lamang nakaraan ay ipinagdiwang na ni Scarlet ang kanyang ika-7th birthday, kung saan marami sa mga tagahanga at kaibigan ng kanyang mga magulang ang nagpaabot sa kanya ng pagbati ng Maligayang Kaarawan.

Isa nga sa mga nagpaabot ng pagbati sa ‘only child’ nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho na si Scarlet ay ang veteran showbiz columnist na si Nay Lolit Solis. Sa kanyang IG post ay ibinahagi ni Nay Lolit ang kanyang pagbati kay Scarlet, at inihayag din niya ang mensahe niya para rito. Ayon nga sa kanya, si Scarlet ang ‘lucky charm’ ng mga magulang nito, ito ay dahil magmula umano ng dumating sa buhay ng mag-asawang Dra. Vicki at Hayden ang kanilang anak, ay mas lalo pa ngang nakilala at lumago ang kanilang negosyo na BELO.

“Parang naging lucky charm siya ng mag-asawa na lalo pang lumago ang buhay ng nandiyan si Scarlet. Lalo pang sumikat ang BELO at lumaki. So Scarlet is not only precious but very luck gem”, saad ni Nay Lolit. “Parang kailan lang iyon baby pa si Scarlet, Salve. Pero 7 years old na pala ngayon ang very famous baby ni Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho”, dagdag na pahayag pa nga ng veteran columnist.

Ayon nga kay Nay Lolit, ay tunay na napakabilis ng paglipas ng panahon. Dahil nang una ngang masilayan ng publiko si Scarlet ay napaka-cute na baby pa lamang nito, ngunit ngayon ay isa na nga itong napakagandang bata na kinagigiliwan ng publiko sa telebisyon man o social media.

Pagbabahagi pa ni Lolit Solis, sa kabila ng pagiging marangya ng buhay ni Scarlet dahil sa yaman ng kanyang mga magulang, ay lumaki naman ito ng behave, very sweet at mabuti sa kanyang kapwa. Sa huling bahagi nga ng mensahe niya, ay mababasa naman ang pagbati niya kay Scarlet para sa pagdiriwang nito ng kaarawan. “Happy birthday dear Scarlet, grow older and wiser, be the beautiful Queen of Belo group forever”, pagbati ni Nay Lolit kay Scarlet Snow.