Connect with us

Inspiring

Shamcey Supsup Pinahanga Ang Mga Netizens Ng Ibahagi Ang Kanyang Pananaw Pagdating Sa Grado At Edukasyon

Published

on

Buwan na naman ng pagtatapos ng maraming mga mag-aaral, at sa ganitong panahon ay normal na ngang ibahagi ng mga nagtapos ang kanilang mga parangal at grado na nakuha sa halos ilang taon din nilang pagsusumikap sa kanilang pag-aaral.

Samantala, tila naman muling napa-throwback ang dating Miss Universe 2011 third runner-up na si Shamcey Supsup, ito ay matapos niyang muling ibahagi sa kanyang Instagram post ang kanyang Transcript of Records o TOR, kung saan makikita ang kanyang mga nakuhang grado noong siya ay nag-aaral pa sa UP Diliman sa kursong Architecture. Kalakip nito ay ang naging pagbabahagi din ni Shamcey ng kanyang kakaibang pananaw pagdating sa grado at edukasyon ng isang indibidwal.

Si Shamcey Supsup ay hindi nga lang kinabibilangan dahil sa kanyang angking kagandahan, dahil hahangaan din ang taglay niyang katalinuhan, ito ay base na rin sa mga mataas na grado niya noong siya ay nag-aaral pa, na makikita nga sa kanyang TOR. Dahil nga sa katalinuhan ni Shamcey at sa taas ng kanyang mga grado, ay pinarangalan siyang Magna Cum Laude noong siya’y magtapos ng kolehiyo.

Mas napatunayan pa lalo ni Shamcey ang kanyang galing at katalinuhan, ng siya ang manguna sa licensure examination para sa mga nais maging ganap na architect noong taong 2011. At nadagdagan pa nga ang kanyang tagumpay ng hirangin siya bilang 3rd runner-up noong 2011 Miss Universe Pageant. Kasalukuyan din na nagsisilbi ngayon si Shamcey bilang national director ng Miss Universe Philippines organization, maliban pa sa kanyang pagiging isang lisensyadong architect.

Proud din na ibinahagi ni Shamcey, na maliban sa mga tagumpay niya na ito sa kanyang buhay, ay isa sa mga talagang ipinagmamalaki niya ngayon ay ang pagtuturo ng ginagawa niya sa kanyang panganay na anak, na sa murang edad nga ay marunong ng magbasa. Kaugnay nito, sa kabila nga ng lahat ng tagumpay na ito ni Shamcey na sa tingin natin ay naaabot niya dahil sa kanyang nakuhang grado at parangal, ay iba naman ang pananaw ng dating beauty queen pagdating dito.

Ayon kay Shamcey, tulad ng ilang mga mag-aaral, noon din ay ‘grade conscious’ siya, kaya naman hindi malaking isyu sa kanya kung mayroon siyang natutunan, dahil ang tanging mahalaga sa kanya ay ang makakuha siya ng mataas na grado. Ngunit ngayon nga ay nag-iba na ang kanyang pananaw, at ito nga ay ang mas mahalaga pala kung paano gamitin ng isang tao ang kanyang talion at kaalaman.