Connect with us

Entertainment

Sheena Halili At Kanyang Napaka Cute Na Anak Kinagiliwan Ng Mga Netizens

Published

on

Mula sa kanyang pagbubuntis hanggang sa maisilang na niya ang panganay na anak nila ng kanyang mister, ay naging bukas nga sa publiko ang aktres at ngayon ay celebrity mom ng si Sheena Halili. Sa kanya ngang YouTube channel ay ibinahagi ni Sheena ang kanyang naging pregnancy journey hanggang sa motherhood journey niya.

Tunay namang iba ang kaligayahan na naidudulot ng isang sanggol sa kanyang magulang, dahil magmula nga ng isinilang ni Sheena ang panganay na anak nilang si Martina ay talaga namang iba ang saya na ibinibigay nito sa buhay nilang mag-asawa. Madalas ngang ibahagi ng aktres ang mga nakaka-aliw na larawan ng anak niyang si Baby Martina at maging ang kanilang mga masasayang bonding moments.

At ngayon nga na 1-year old na ang kanilang anak, ay mas lalo pa ngang kinagigiliwan ng marami si Baby Martina, at siyempre bilang isang ina, ay talagang proud naman si Sheena sa bawat milestone na na-a-achieve ng kanyang cute baby girl.

Isa nga sa mga napaka-cute at nakakaaliw na celebrity babies ang anak ng mag-asawang Sheena at Jeron Manzanero, ito nga ay dahil si Baby Martina ay labis na kinagigiliwan hindi lamang ng kanyang mga magulang kundi ng napakarami ngang mga netizens dahil nga sa kanyang napaka-cute na baby face at taglay na bibong personalidad.

Kung noon ay ang madalas nga nating nakikita sa mga ibinabahagi ni Sheena sa kanyang social media account ay ang mga sweet bonding moments nila ng anak niyang si Baby Martina, ngayon nga na ito ay 1-taong gulang na ay nakakasama na rin ito ng aktres sa mga nakakatuwang kalokohan.

Tulad na nga lamang ng pagawa nilang mag-ina ng mga wacky pose na nauuso ngayon sa social media, at isa na nga rito ay ang usong-uso ngayon na ‘Naruto pose’ na talaga namang naging patok sa maraming mga netizens lalo na nga sa mga bagets.

At ang mag-ina ngang sina Sheena at Baby Martina ay hindi rin nagpahuli sa pagawa ng nauusong pose na ito, kung saan noon nga lamang nakaraang ika-22 ng Mayo ay masayang ibinahagi ng celebrity mom sa kanyang Instagram account ang larawan nila ng kanyang anak kung saan ay kanila ngang ginawa ang ‘Naruto pose’ sa kabila na sila ay parehong nakasuot ng formal dress o attire.

“How to Pose to a Camera 101 #MotherandDaughter”, ang naging saad ni Sheena sa caption ng larawan.
Marami naman sa mga followers ng mag-inang Sheena at Baby Martina ang kinagiliwan nga ang larawan na ito ng mag-ina at nag-iwan pa nga ng mga positibong komento.

“May angkan pala ni Naruto ang mag-ina. May lahing ninja, ang cute niyo tingnan.”
“The best ang unang pose [emoji] mas maganda talaga si Mommy ang tutulad sa pose ni baby eh.”
“Lovely mom and adorable baby.”