Connect with us

Entertainment

Sheena Halili Kapansin Pansin At Kahanga Hanga Pa Rin Ang Taglay Na Ganda Ng Pangangatawan

Published

on

Noon nga lamang ika-22 ng Pebrero ay nagbahagi ng kanyang post-pregnancy photo ang celebrity mom na si Sheena Halili, ito nga ay ilang buwan lamang matapos niyang manganak.

Agad ngang naging agaw-pansin ang larawan na ito ng aktres sa mga mata ng netizens, kung saan ay inulin din ito ng napakaraming komento na panay papuri mula sa kanyang mga tagahanga at kaibigan, dahil sa napansin nga ng mga ito na sa kabila ng pagiging isa ng ganap na ina ni Sheena ay napakaganda pa rin ng hubog ng katawan nito.

Makikita sa nasabing larawan na abala si Sheena na ginagawa ang isa sa kanyang mga ‘mommy duties’, kung saan ay ipinapasyal nga niya ang kanyang baby girl na si Martina. Kalakip ng larawan ay ang inilagay niyang caption na;

“Morning stroll! @babyzenphilippines ‘stroller got you covered, anak! Literally! Mo need for mommy to worry going outside, riding the elevator, and visiting the doctor because my baby is obviously safe inside this cocoon-like stroller! Osiya, stroll muna kami! See ya!”

Samantala, sa kabila nga ng simpleng kasuotan ni Sheena sa larawan ay kapansin-pansin naman na lumutang pa rin ang kanyang angking kagandahan at taglay na kaseksihan. Ni hind inga mababakas sa katawang taglay ngayon ng aktres na ito’y dumaan sa panganganak.

Marami nga ang pumuri sa kaseksihan ni Sheena kahit siya’y isa ng ganap na mommy. Ang ibang mga papuri ay galing sa kanyang mga tagahanga, at ang iba naman ay mula sa mga kaibigan niya sa showbiz.
Narito nga ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens sa larawang ibinahagi ni Sheena;
“Yung parang ako ang nanganak at hindi ikaw.”

“Hustisya po sa katawan ko, sexy mom. Kainins parang hindi ka nanganak Hihi sexy pa rin.”
“Grabe naman parang din nanganak sexy pa rin. Ako dambuhala na.” Kabilang naman sa mga celebrity na napa-comment ng bakit napaka-sexy agad ni Sheena at halos wala na nga itong puson na dapat ay tanda ng panganganak nito ay sina Chariz Solomon at Charee Pineda na halos nakasabayan nga lang ni Sheena na nanganak noong nakaraang taon.

Talaga nga namang nakakamanga ang napakabilis na pagbabalik ng kaseksihan ni Sheena matapos niyang manganak, dahil sa halos ilang buwan pa nga lamang matapos isinilang ng aktres ang kanyang baby na si Martina.