Connect with us

Entertainment

Sikat Na Teen Star Noon Na Si Aiza Marquez Masayang Namumuhay Bilang Single Mother

Published

on

Noong dekada 90 ay napakarami nga naman talagang mga young at teen star ang sumikat at naging popular na ngayon ay hindi na nga natin nasisilayan sa mundo ng showbiz dahil sa mas pinili nga ng mga ito ang buhay sa likod ng kamera. Isa na nga sa mga ito ay ang sikat na teen star noon na si Aiza Marquez.

King ikaw ay isang batang 90’s marahil siya’y iyo pang natatandaan, dahil kabilang siya noon sa third batch ng popular na teen-oriented show na TGIS (Thanks God It’s Sabado) kung saan ay umere ito noong taong 1995 hanggang 1999 at nakasama niya rito ang ilan sa mga kaedaran niya na sina Anne Curtis, Chubi, JR at Yves.

Para naman sa mga hindi nakakaalam si Aiza Marquez ay nagsimula ang kanyang karera sa mundo ng showbiz sa pagiging isang commercial model niya n’ung siya ay labing-dalawang taong gulang lamang. Dahil sa nakitang potensyal sa kanya ng VIVA Artists Agency ay kinuha siya ng nasabing ahensya bilang talents nito.

May mga aktor naman na naugnay noon kay Aiza kabilang na nga ang singer-actor na si Gian Magdangal at dating Steetboys member na si Danilo Barrios. Iniwan naman ni Aiza ang mundo ng showbiz ng siya ay umibig ng husto, kung saan ay mas pinili niyang sundan ang tibok ng kanyang puso. Siya’y ikinasal noong taong 2013, ngunit bago pa man ito ay nagdesisyon na siyang manirahan sa Amerika noong taong 2011 kasama ang kanyang dating asawa.

Silang mag-asawa ay nagkaroon ng dalawang anak, isang lalaki at isang babae, na sina Brooklyn Kate at Bryce Matthew. Ngunit dahil sa hindi naging maganda ang takbo ng relasyon nila ng kanyang asawa, ay nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama at napunta nga sa kanya ang pangangalaga sa kanilang mga anak.

Ayon sa dating teen star, sa kabila ng pagiging hiwalay na nila ng dating asawa ay madalas naman umano nitong binibisita ang kanilang mga anak, kaya naman hindi rin siya nahirapan na palakihin ang mga anak nila.

Samantala, sa socmed account naman ni Aiza ay marami ang nakapapansin na mayroon itong madalas na kasamang binatang foreigner sa kanyang mga larawan. Ngunit hindi naman malinaw kung ang nasabing binata ay karelasyon nito ngayon.

May ilan namang mga netizens ang nagtatanong kung may pag-asa pa bang magbalik sa mundo ng showbiz ang dating teen star, dahil sa marami rin naman sa kanyang mga naging tagahanga ang nakaka-miss sa kanya at nais siyang muling makita na umarte.

Nang makapanayam nga ng aktor na si Paolo Contis si Aiza sa “Just In”, ay sinabi ng dating teen star na bukas siya sa mga guestings o kung magkakaroon man sila ng reunion ng mga nakasama niya noon sa TGIS pero kung ang pagiging fulltime sa showbiz ang pag-uusapan ay baka imposible pa ito sa ngayon lalo na’t mas binibigyang prayoridad niya ang kanyang mga anak.

Minsan nan gang nagkaroon ng virtual reunion sina Aiza at ang mga naging kasamahan niya noon sa TGIS na sina Anne Curtis, Vanna, Chubi, JR at Yves kung saan ay talaga namang naging mahaba-haba rin ang kanilang pagki-kuwentuhan. At sa naganap nga na reunion na ito ng grupo online, ay talaga namang marami ang naka-miss sa kanila.