Connect with us

Showbiz

Sila Pala Ang Mga Napaka Ganda At Mala Artistang Anak Ni Paolo Contis

Published

on

Ang aktor na si Paolo Contis ay isa sa mga hinahangaan sa industriya ng showbiz pagdating sa pag-arte at maging sa pagiging isang koemdyante. Binatilyo pa lamang siya ng magsimulang ipamalas ang kanyang husay sa pag-arte at komedya. Mula noon hanggang ngayon ay patuloy na kinabibiliban ang husay sa pag-arte ni Paolo, kung saan ay talaga namang damang-dama ng bawat manonood ang mga karakter na kanyang ginagampanan lalo na pagdating sa mga madamdaming eksena.

Isa sa mga pelikula na kanyang pinagbidahan kung saan ay ipinamalas niya ang kanyang husay sa pagiging isang aktor at nakatambal niya rin ang mahusay na aktres na si Alessandra de Rossi, ay ang “Through Night and Day” na ipinalabas noong taong 2018. Maliban nga sa pagiging isang mahusay na aktor at komedyante ni Paolo, ay hinahangaan rin sa kanya ang pagkakaroon niya ng gwapong mukha at nakahuhumaling na karisma, kaya naman hindi kataka-taka na isa siya sa mga maituturing na heartthrob sa industriya. Batid din natin na maraming mga kababaihan ang nahumaling at umibig sa kanya, kabilang na nga rito ang mga nakarelasyon niya na sina Lian Paz at LJ Reyes.

Samantala, lingid naman sa kaalaman ng publiko na si Paolo ay nagkaroon ng mga anak, dalawang babae ang naging anak niya sa dating misis niyang si Lian Paz at isang babae naman ang naging anak niya sa dating karelasyon niyang si LJ Reyes. Makikita naman na ang ‘good looks’ ni Paolo namana ng kanyang mga anak.

Si Xalene at si Xonia ang dalawang anak na babae ni Paolo kay Lian Paz, at ngayon nga ay agaw-pansin ang magkapatid sa social media dahil sa kahanga-hangang ganda na taglay ng mga ito. Bukod nga sa taglay na kagandahan ay kabibiliban rin ang mga talentong taglay nina Xalene at Xonia. Sa katunayan nga madalas na ibahagi ng kanilang ina na si Lian sa social media nito kung gaano siya ka-proud sa kanyang mga anak, lalo na nga kapag ang mga ito ay nagpapamalas ng kanilang husay pagdating sa pagsasayaw.

Ang bunsong anak naman ni Paolo ay isa ring babae, at ito nga ay ang tatlong taong gulang na ngayon na si Summer. Si Summer ay anak ng aktor sa kanyang dating karelasyon na si LJ Reyes, na isa ring maganda at mahusay na aktres, kaya naman hindi kataka-taka na si Summer ay nagkaroon rin ng agaw-pansin na kakyutan at kagandahan dahil sa parehong gwapo at maganda ang kanyang mga magulang.
Talaga namang pinanggigilan ngayon sa social media ang maganda at maamong mukha ni Summer.

At hindi naman lihim sa lahat na sa murang edad ay kinakitaan na si Summer ng husay sa pag-arte, lalo pa’t sinanay siya ng kanyang amang si Paolo. Matatandaan na madalas na magbahagi si Paolo ng mga bonding moments nila ng anak na si Summer, kabilang na nga rito ang ginawa nilang ‘Acting 101’ session noon, kung saan nagpamalas nga si Summer ng kanyang husay sa pag-arte.

Tunay ngang sa taglay na karisma, kagandahan at talento ng mga anak ni Paolo, ay maari ngang sumabak ang mga ito sa pag-aartista. Ngunit sa kabila nito, minsan ng sinabi noon ng aktor na desisyon pa rin ng kanyang mga anak ang susuportahan niya, kung ano man nga ang nais ng mga ito na tahakin sa kanilang buhay. Dagdag pa ni Paolo, maari naman talagang magkaroon ng posibilidad na pumasok sa showbiz ang kanyang mga anak, sapagkat siya na ama ng mga ito ay nasa showbiz.

“Siyempre, malaking edge na iyon na mag-showbiz sila, yung tatay nila, nasa showbiz.”
“Malaking bagay iyon. May mga bagay silang hindi na kailangan pagdaanan. May mga bagay na pwedeng protektahan sila before whatever, kasi, meron ng inside people to support them”, ang naging pahayag pa noon ni Paolo.