Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Cuteness Overload Na 1st Swimming Session Ng Anak Nina Billy Crawford At Coleen Garcia

Published

on

Mula ng maging isang ganap na ina ang aktres na si Coleen Garcia ay pinili muna nito ang pagtuunan ng oras at panahon ang kanyang pamilya lalo na nga ang anak nila ng kanyang asawang si Billy Crawford.
Isa nga si Coleen Garcia sa mga celebrity mom na napaka-hands on pagdating sa panganay na anak nila ng asawa niyang si Billy na si baby Amari Jaden.

Matatandaan na ipinanganak ni Coleen si baby Amari noong ika-10 ng Setyembre noong nakaraang taon. At magmula nga ng isilang ang anak, ay madalas ng ibinabahagi ng aktres sa kanyang Instagram account ang mga milestone ng kanyang cute baby boy.

Para nga may mga maging alaala sa mga ‘first experience’ niya si baby amari na makikita nga niya kapag siya’y lumako na, ay singurado ng ani Coleen bawat ‘first’ ng anak ay naido-dokumentaryo niya.

Kabilang nga sa mga milestone ni baby Amari na nadagdag na naman sa dokumentaryo ni Coleen ay ang naging pagbabahagi niya nito lamang buwan na ito, ng naging unang swimming experience ng kanyang baby boy.

Sa Instagram ng ani Coleen ay makikita ang naging pagbabahagi niya ng mga cuteness overload photo ni babay Amari na kuha sa unang beses na pagtampisaw nito sa tubig. Caption ni Coleen, gustong-gusto niya na dalhin sa beach si Amari, upang maranasan nito ang magtampisaw sa tubig-dagat, ngunit dahil nga panahon ngayon ay hindi muna nila ito magagawa.

“He’s allowed to swim naaa and I’ve been so excited to take him back to beach, but hanggang throwback na lang muna cause it’s still roo scary to go out with him or to go at all.”

Dagdag pa ni Coleen, bilang mga magulang ay prayoridad nila ang kaligtasan ng kanilang anak.
At para nga maranasan ni baby Amari ang mag-swimming sa unang pagkakataon, ay bumili ng isang malaking inflatable pool sina Coleen at Billy para nga sa magiging first time to swim milestone ng kanilang anak.

Ibinahagi nga ni Coleen sa Instagram account niya noong ika-3 ng Abril ang mga larawan ni baby Amari kung saan ay nakikita nga na napakasaya nito habang nagtatampisaw sa tubig ng inflatable pool. Mapapansin din na sobrang cute ni baby Amari sa kanyang suot na swimming attire habang ito nga ay nakasakay sa isang salbabida.

Hindi nga lamang si baby Amari ang nag-enjoy sa kanyang first time swimming kundi maging ang kanyang mga magulang na umaalalay sa kanya,kaya ito nga ay naging isang masayang family bonding din ng pamilya.

Maraming mga netizens naman ang nagbigay ng pusong reaksyon sa larawan ni baby Amari kung saan siya’y hawak ng kanyang mommy coleen, dahil umaapaw naman talaga ang kanyang kakyutan sa suot suot nyang black sunglasses.

Narito naman ang mga naging komento ng mga netizens sa naging enjoy ngang unang swimming session ni baby Amari. “ang cute naman po ng baby niyo.” “so big cute boy.” “so adorable aman.” “hang cute goodvibes talaga si Amari.” “Ang cute naman ng baby nay an nakashades pareho sila cute ng baby ko hehe.”