Connect with us

Inspiring

Silipin Ang Isang Maliit Na Bahay Na Nag Mukhang Elegante At Moderno Dahil Sa Ginawang Transformation Dito

Published

on

Transformation ng isang maliit na bahay ngayon, ang talaga namang nagpamangha sa ilang mga social media user dahil mula sa napaka simple at maliit na bahay ay nagmukha itong elegante at moderno.Sa isang maliit na bahay sa Villamor Airbase, naninirahan si Grace Lucas mula pa sa kanyang pagkabata, maging hanggang sa siya’y magkaroon na ng asawa at talong mga anak.

Dahil nga sa kanyang malaking pamilya, ay hindi na sapat sa kanilang pamilya ang isang maliit na bahay kaya naman nagdesisyon ang mag-asawa na ipa-renovate ang kanilang bahay upang gawin itong mas malaki, na kung saan ay maging komportable ang kanilang pamilya.

Ngunit, sa kasamaang-palad ang pagpapa-renovate nila ng kanilang bahay ay biglang natigil, ng naabutan ito ng bagyong Milenyo at nabagsakan ito ng puno ng Sampaloc.Ang pangyayaring ito, ay naging nalulungkot para sa pamilya ni Grace, dahil nga sa hindi na matutuloy pa ang renovation na ninais nila para sa kanilang maliit na tahanan. Ngunit, may isang taong tumulong sa pamilya upang pagandahin ang kanilang maliit na tahanan at ito ay ang decorator na si Gwyn Ganzo.

Narito ang ilan sa mga naging pagbabago sa maliit na tahanan ni Grace, na talaga namang nakakamangha ang kinalabasan.

Upang masigurado ang structural secure property ay ines-stabilized ni Gwyn ang scaffold ng mga pader at inayos ang ceiling ng bahay. Noon ay kawayan ang bintana ng bahay nina Grace, ngunit pinalitan ito ni Gwyn ng bamboo slats, upang mas mukhang maayos ito na kung saan ay makakapasok pa rin ang natural na liwanag at sariwang hangin mula sa labas.

Pininturahan din ni Gwyn ng ibat-ibang kulay ang bahay tulad ng shades of gray, pink, lilac at blue upang magbigay ng buhay sa kulay ng bahay, ngunit ang living room ay kinulayan niya ng puti ang pader upang mag mas mukha ang malapad.

Dining Area

Inayos rin ni Gwyn ang dining area, at ang mga kagamitan dito tulad ng dining set ay kanyang pinalitan ng bago mula sa Crossing Home.

Hindi naman binago ni Gwyn ang pwesto ng hagdan, ngunit nagawa niya itong ayusin at pagandahin na makikita nga naman sa larawan kung ano na ang naging itsura nito.

Maliit na Kusina

Makikita naman ang malaking pagbabago sa kusina. Piniturahan rin ng kulay puti ang pader ng kusina, at nilagyan ito ng white brick backsplash, at sa may bandang countertop naman ay puting tiles din ang ginamit.

Bathroom

Sa unang larawan ng bathroom, ay makikita ang itsura nito noon ay naka-finish lang ng semento at may bowl lang ito at walang gripo, ngunit ngayon sa naging transformation nito ay talaga namang mabibili ang sinuman dahil kahit maliit ang area na ito ay mayroon na itong magandang bowl, gripo at shower.

Nakatiles na din ang bathroom ng kulay puti at maging ang pintura nito sa pader ay puti rin.

Nakakabilib nga naman ang naging transformation ng maliit na bahay na ito, dahil sinong mag-aakala na sa itsura nito noon na napaka-ordinaryo lamang ay kaya pala itong gawin na moderno sa pamamagitan lamang ng tamang pag kulay at mga kagamitan na gagamitin dito.