Connect with us

Showbiz

Silipin Ang Loob Ng Agaw Pansin Sa Laki At Garbong “White House Mansion” Joel Cruz Sa Baguio City

Published

on

Kung ikaw ay isa sa mga mahilig bumisita sa tinaguriang Summer Capital of the Philippines sa Baguio City, marahil ay nakuha rin ng atensyon mo ang pangunahing atraksyon sa mga turista sa naturang lugar sa may Camp John Hay, kung saan ito nga ay ang nakakalula sa laki at napakagandang White House Mansion ng sikat at popular na si Joel Cruz, na tinagurian ngang The Lord of Scents.

Talaga namang ang White House Mansion na ito ni Joel Cruz ay agaw-pansin sa lahat ng mga bumibisita sa Baguio, ito nga aay dahil sa kagandahan at karangayaan ng naturang tahanan na agad na mapapansin sa panlabas na estraktura nito.

Samantala, kamakailan lamang ay binisita ng sikat na arkitekto at vlogger na si Llyan Oliver Austria ang napakaganda ngang tahanan ni Joel Cruz, kung saan ay pinaunlakan naman ng tinaguriang The Lord of Scents ang pagpapasilip ng vlogger sa mga tagasubaybay nito ng loob at labas ng kanyang napakagandang mansyon.

Ang naging paglilibot ni Llyan sa mansyon ni Joel Cruz ay kanyang sinimulan sa garahe nito. Agad naman siyang namangha, dahil garahe palang ay talaga namang ng mansyon ay napakalawak na sapagkat pwedeng magparada rito ng sampung mga sasakyan.

Apat na palapag ang white house mansion ni Joel Cruz ay mayroong apat na palapag at ang kabuuang lawak ng mansyon ay tinatayang aabot sa 3,000 sq. meters. Sa labas palang ay agad ng mapapansin ang glass tower ng mansion, kung saan sa loob nito ay makikita na ito ay spiral staircase na may napakaganda at napakalaking cascading crystal chandelier.

Ayon kay Llyan ang mansyon na ito, ay pinaghalo ang disenyo kaya naman talaganag nakamamangha ang ganda nito. Ito kasi ay may disenyong modern, rustic, country at industrial, na kung tawagin nga ay ‘electic design’. Pagbabahagi pa ni Llyan ang nagdisenyo ng mansyon na ito ni Joel Cruz ay si late architect Ruben Payumo.

Agad namang bumungad kay Llyan ang marangyang interior design at nakakalulang high ceiling ng mansyon, pagpasok niya sa double entrance door nito. Hindi naman maikakaila na ang mansyon ay pag-aari ni Joel Cruz dahil sa lounge/reception area pa lamang ay agad ng makikita ang mga Aficionado perfume products na nakadisplay dito.

Victorian-era inspired ang disenyo ng main sala ng mansyon kaya naman talagang nakaka-royalty feels ito. Pagdating sa dining area ay makikita naman ang 26-seater dining table, maliban pa dito ay mayroon pa ngang 10-seater dining table na makikita naman sa isang pribadong dining area ng mansyon.

Ang mansyon na ito ni Joel Cruz ay mayroong 11 na silid, kung saan walo rito ay tinatawag na ‘deluxe room’ kung saan ay mahahalintulad sa mga mahahaling hotel ang disenyo nito. Ang isa namang silid ay tinawag na ‘executive suite’, na nakalaan nga para sa ina ni Joel at ang pinakamalaki ngang silid sa lahat ay ang ‘presidential suite’ kung saan ito ang silid ni Joel Cruz, na may pinakamarangya ngang disenyo.
Mayroon din ngang cinema room ang naturang mansyon na perfect naman para sa movie bonding ng magpamilya, lalo na’t ito ay may 16 lazy boy chairs at magandang sound system. Maliban pa nga rito, ay mayroon ding gym, salon, spa area, at swimming pool ang mansyon na ito ni Joel Cruz.