Connect with us

Uncategorized

Silipin Ang Masayang At Tahimik Na Buhay Ni Ate Glow Sa Ibang Bansa Matapos Iwan Ang Showbiz

Published

on

Natatandaan nyo pa ba si Ate Glow? O sa tunay ngang buhay ay mas kilala ng kanyang mga kapamilya bilang si Rene Boy Facunla? Siya lang naman ang isa sa mga mahuhusay na naging impersonator noon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Marami ang nakababatid sa atin ng tunay niyang kasarian, kung saan siya nga ay nabibilang sa mga ‘transgender community’. Ngunit alam niyo ba na sa kabila ng kanyang pagiging isang ‘transgender’ ay natagpuan niya sa kanyang buhay ang kasiyahan at kaligayahan sa piling ng kanyang asawa na isang banyaga.

Sa ngayon nga ay masayang naninirahan sa bansang U.K si ate Glow, kung saan ay kapiling niya ang kanyang British husband na kanya nga umanong nakilala online.

Marahil kadalasan nating naririnig na ang mga ganitong pag-iibigan na nagsimula online ay nagkakilala sa pamamagitan ng isang dating app, ngunit ayon sa naging ulat ay sa app na mahilig uminom ng wine nagkaroon ng komunikasyon si ate Glow at ang naging asawa nitong British.

Nagsimula nga lahat sa apps na ito, kung saan ay madalas umanong pina-follow ng british husband ni ate Glow ang mga lugar na pinupuntahan nito.

Base nga sa naging ulat, ang mga british umano ay ‘very open’ pagdating sa same sex relationship. At ng makatagpo nga ni ate Glow ang kanyang British husband, ay ito rin ang kauna-unahang nagpakilala sa kanya sa parents nito.

Bago pa nga niya nakilala ang mommy ng kanyang husband, ay hindi pa nila alam ang tunay niyang kasarian. Tanggap naman ng kanyang naging hubby kung ano ang kanyang kasarian, at hindi nga naging mahalaga dito kahit na siya ay isang ‘transgender’ dahil mas importante umano dito ang kanyang nararamdamang pagmamahal para kay Renee [ate Glow].

Taong 2016 ng ikinasal si ate Glow sa kanyang British husband sa Chelsea Registry Office sa Chelsea Town sa London, kung saan ay dito rin nga ikinasal si George Clooney.

Samantala, bago pa man nga nakatagpo ni Renee ang kanyang British husband, ay nagkaroon muna rin ito ng mga past relationship. Nagka-boyfriend siya ng Pinoy at Irish Caucasian na taga Dublin.
Ayon nga kay Renee, sa murang edad niya noon na 3 o 4 na taong gulang ay naramdaman na niya na hindi siya ‘straight’ na lalaki.

Ngayon nga ay nasa bansang UK na naninirahan si ate Glow, masaya sa buhay sa piling ng asawa niya. At Renee Hampshire naman na, ang kanyang pangalan ngayon.