Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Masayang Bakasyon Ng Mag-Asawang Pauleen Luna At Bossing Vic Sotto Kasama Ang Anak Nilang Si Tali

Published

on

Dahil sa ilang buwang naging mahigpit ang pamahaalan sa galaw ng mga tao, kung saan ay ipinagbawal ang pamamasyal at pagbyahe sa iba’t ibang lugar, ay marami sa atin buwan din ang naging pnanatili sa loob ng ating mga tahanan.

At dahil nga rito, ay talaga namang miss na miss na ng marami ang makapamasyal kasama ang kanilang pamilya. Katulad na nga lamang ng actress-Tv host na si Pauleen Luna, na ngayon ay nagkaroon na ng pagkakataon na makapamasyal kasama ang pamilya, dahil sa untu-unti ng pagluwag ng pamahalaan dahil sa new normal.

Sa The Fun Farm na matatagpuan sa Sta. Elena, Santa Rosa, Laguna nagtungo ang mag-asawang Pauleen Luna at Vic Sotto kasama ang kanilang napaka-cute na anak na si Tali, upang makapamasyal at makapag-bonding.

Hindi naman naitago ni Pauleen ang kanyang naging kasayahan, na sa wakas sa halos ilang buwang pananatili sa loob ng bahay dahil sa pag-iingat sa lumalaganap na v!rus, ay nakalabas at nakapamasyal na din sila ng pamilya.

Ipinasilip naman ni Pauleen sa kanyang social media account ang magandang lugar na kanilang pintunatahan, sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ilan sa kanilang mga larawan.
Saad pa niya sa kanyang naging post;

“I’m glad we were able to go out today. So nice to get fresh air and enjoy nature for a change.”
Samantala, dahil sa patuloy na paglaganap pa rin ng v!rus ngayon, ay sinigurado naman nina Pauleen na sa kanilang naging pamamasyal na ito ay mayroon pa rin silang proteksyon na suot-suot laban sa naturang sakit. Kaya naman sa naging pagtungo nila sa far ay nakasuot pa rin sila ng facemask.

Ibinahagi rin ni Pauleen na ligtas umano ang naging pagpunta nila sa nasabing farm, dahil noong sila ay magtungo roon ay walang ibang tao, at silang pamilya lamang.
“We visited @staelenagolfandcountryestate Fun Farm. There was no one there so it was safe to take the little one’s facemask off.”

Ayon pa kay Pauleen, hindi naman sila nagtagal sa nasabing lugar, ngunit thankful pa rin siya sa Panginoon dahil sa binigyan sila ng ng pagkakataon na makalabas at makapag-bonding pamilya ng panandalian, at makalanghap na rin saglit ng sariwang hangin.

“We need this change of scenery, even if it was a short time. Thank you, Lord for this opportunity.”
Matapos nga ang naging pamamasyal ng pamilya sa Laguna, ay nag-enjoy din sila kasama pa ang iba nilang kapamilya na nagtungo sa beach.

Sa ibinahagi namang mga larawan ni Pauleen, ay makikita ang nakapaka-cute na anak niyang si Tali, na talaga namang kinagigiliwan ng mga netizens.