Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Masayang Bonding At Kulitan Time Ng Mag-Amang Rodjun Cruz At Baby Joaquin

Published

on

Ang lovelife ng celebrity couple na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina ang isa sa mga hinahangaang pag-iibigan sa mundo ng showbiz. Ito ay dahil sa kabila ng pareho silang gumagalaw sa mundo na puno ng intriga at kontrobersyal ay nananatili nilang itatag ang kanilang relasyon, hanggang sa mauwi na nga ang relasyon nila sa sumpaan sa harap ng altar.

Taong 2019 ng ikinasal sina Rodjun Cruz at Dianne Medina, kung saan ay talagang isa ang kanilang kasal sa mga pinaka-abangan ng mga kanilang mga tagahanga at taga-suporta. Masasabi rin natin na isa ang kasal ng dalawa sa pinaka-engrandeng kasal sa showbiz, dahil mula sa pre-nup photoshoot nila hanggang sa kasal nila sa simbahan ay talaga namang kitang-kita na pinaghandaan at pinagkakagastusan nito ng bongga.

Ilang buwan nga lamang matapos ang naging pagpapakasal ng dalawa, ay agad ring biniyayaan ang mag-asawa ng isang magandang balita, at ito nga ay ang pagdadalang-tao ni Dianne, sa magiging panganay nga nilang anak ni Rodjun. Ang magandang balita namang ito, ay agad ring ibinahagi ng mag-asawa sa publiko.

Hindi nga nagtagal ay isinilang na ni Dianne Medina ang kanilang panganay na anak ni Rodjun, at ito nga ay isang cute na baby boy, na pinangalanan nilang si baby Joaquin Ilustre.

Ngayon nga ay halos ilang buwan na si baby Joaquin, at sa mga ibinabahaging larawan at video ng mag-asawang Rodjun at Dianne, ay makikita nga na habang ito ay lumalaki ay mas lumalabas ang taglay na kagwapuhan nito na namana niya sa maganda at gwapong lahi ng kanyang mga magulang.
Mas aktibo na rin ngayon ang anak ng mag-asawa, dahil sa marunong na itong makipag-hagikhikan kapag siya’y nilalaro ng kanyang mga magulang.

Sa Instagram account nga ni Rodjun, ay ibinahagi ng aktor ang masayang pakikipag bonding at kulitan nila sa kanilang baby boy na si Joaquin. At kitang-kita nga na aliw na aliw ang aktor sa pakikipag kulitan sa kanyang anak.

Ayon nga sa caption ng aktor, ay ang sarap lambingin at kulit ni baby Joaquin. Isinaad rin niya sa naturang post, kung gaano niya kamahal ang anak nila ng kanyang asawa.
“Sarap kulitin at lambingin ni @babyjoaquinillustre! [smiley emoji with heart eyes] [baby emoji] Love you so much my son!”, caption ni Rodjun sa kanyang post.

Kahit nga busy ang aktor sa kanyang trabaho, ay sinisigurado naman niya na may oras at panahon pa rin siyang inilalaan na maka-bonding ang kanyang mag-ina, lalo na nga ang kanyang anak.

Ikinatuwa naman ng mga netizens ang video at larawan ng mag-ama habang masayang nagkukulitan, at tila nga good vibes ang naging hatid ng mga hagikhik ni baby Joaquin sa mga netizens.