Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Masayang Buhay Ngayon Ni Pia Guanio Sa Piling ng Kanyang Asawang Si Steve Mago Na Isang Businessman

Published

on

Dating isang Kapamilya host-actress si Pia Guanio, ngunit ito ay nagdesisyon na lumipat sa rival network GMA-7, kung saan ay mas binigyan siya ng break. Sa naging paglipat niya sa rival network, ay napabilang siya bilang host ng longest running noontime show nito na Eat Bulaga, kung saan ay isa na rin siya sa itinuturing na pinakamatagal at loyal host ng nasabing programa.

Hanggang ngayon nga ay isa pa rin si Pia sa mga regular na co-host ng Eat Bulaga na napapanood natin araw-araw tuwing pananghalian.

Samantala, mas nakilala nga ng mga manonood si Pia Guanio noong siya pa ang host ng Chika Minute, isa sa mga segment ng news program na 24-Oras, kung saan ay nakasama niya ang mga batikang mamamahayag na sina Mel Tiangco, Mike Enriquez at Vicky Morales.

Nang magkaroon ng sariling pamilya, ay nagdesisyon si Pia na bitawan na ang kanyang trabaho sa Chika Minute, ito ay para mas mabigyan niya ng oras ang kanyang asawa at kanilang mga anak.

Ang nagbabalik na Kapuso naman na si Iya Villania, ang pumalit kay Pia sa pagiging host ng Chika Minute.

Matatandaan na taong 2011, ng ikinasal si Pia Guanio sa kanyang asawang si Steve Mago, isang Filipino businessman. Ang kanilang pagsasamang mag-asawa, ay nabiyayaan ng dalawang anak, at ito nga ay sina Soleil Brooklyn Mago at Scarlet Jenine Mago.

Hindi naman naging lihim sa mga naging tagahanga ni Pia, na bago pa niya nakilala nag kanyang napangasawa, at nagkaroon ng sarili nilang pamilya, ay nakarelasyon muna niya noon si Bossing Vic Sotto. Ang kanilang relasyon ay tumagal din ng halos 7-taon, bago ito nauwi sa hiwalayan noong taong 2010.

Sa ngayon nga ay pareho ng masaya ang dalawa sa kanya-kanya nilang pamilya. Si Pia sa piling ng kanyang asawa at mga anak, at si Vic Sotto naman kasama ang kanyang asawa ngayong si Pauleen Luna at anak niyang si Tali.

Makikita naman sa Eat Bulaga, na ngayon ay malapit sa isa’t isa sina Pauleen at Pia, at sila nga ay matalik na magkaibigan.