Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Masayang Buhay Ni Sugar Mercado Sa Kabila Ng Pagiging Isang Single Mommy

Published

on

Si Sugar Mercado ay isa sa mga naging co-host noon ng programang Wowowin ni Willie Revillame, kung saan ang mismong TV host na si Kuya Wil ang kumuha sa kanya para maging co-host ng makataan siya nito ng talento at husay sa pagpapasaya ng mga manonood.

Matatandaan na noon din ay naging usap-usapan ang animo’y pagkakaroon nila ng relasyon ng TV host, ngunit mariin niya itong itinanggi at sinabi nga na parang ‘tatay’ na ang tingin niya kay Kuya Wil.

Makikita naman na noong ika-60th taong kaarawan nij Kuya Wil ay nagbigay ng mensahe si Sugar para sa TV host at ito ay kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram.

“Maligayang kaarawan Wil. Patuloy ka pong palakasin at ingatan ng Panginoon, sana ay marami ka pa pong matulungang tao na salat sa buhay. Napakabuti ng puso mo, salamat isa po ako sa marami mong natulungan. Araw-araw ka po naming pagdadasal.. happy birthday Wil.. mahal ka naming lahat Kuya Wil.”

Samantala, bago pa man naging isang co-host ng Wowowin si Sugar ay nauna muna siyang sumikat at nakilala ng maging parte siya noon ng longest running noontime show na Eat Bulaga. Pagdating sa personal na buhay ni Sugar Mercado, napag-alaman na siya ay bunso sa apat na magkakapatid. Ikinasal si Sugar sa dati niyang asawang si Kristofer Jay Go at ang kanila ngang naging pagsasama ay nagbunga ng dalawang anak, kung saan ito ay sina Gabrielle at Olivia.

Matatandaan na taong 2015 ng magsampa si Sugar ng kaso sa kanyang dating asawa, ito ay dahil sa paulit-ulit na pananakit umano nito sa kanya. Ngunit ngayon, ay maayos na rin ang dalawa pagdating sa pagiging mga magulang nila sa kanilang dalawang anak.

Noon ngang mga panahon na walang-wala si Sugar ay tinulungan siya ng Gabriela Women’s Party. Para naman siya’y makabangong muli ay nagtrabaho siya sa Klownz at Zirkoh.

Makikita naman sa social media ni Sugar ang madalas niyang pagbabahagi ng mga larawan niya, kasama ang kanyang mga anak. At dahil sa lumalaki na nga ang kanyang mga anak, ay may mga pagkakataon umano na nagtatanong ang mga ito kay Sugar kung bakit hindi nila kasama ang kanilang ama.

Ibinahagi naman ni Sugar sa isang panayam sa kanya ng GMA network na pagdating sa usapin sa ama ng kanyang mga anak ay ginagawa niya ang lahat upang ipaintindi sa mga ito kung ano ang sitwasyon ng kanilang pamilya. Nasabi rin niya na bukas naman ang kanyang puso para sa bagong pag-ibig, ngunit sa buhay nga niya ngayon ay mas pokus at nakatuon ang kanyang atensyon sa kanyang mga anak.