Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Mga Koleksyon Ng Mamahaling Bag Ni Megastar Sharon Cuneta

Published

on

Kung kayamanan at marangyang pamumuhay lang din naman ang pag-uusapan, hindi maikakaila na kasama sa mahabang listahan ang tinagurian at nag-iisang Megastar sa industriya ng showbiz, na si Sharon Cuneta.

Matapos nga ipakita ng Megastar ang kanyang koleksyon ng mga mamahaling relos na kanyang naipon magmula nang magsimula siya sa showbiz, nito lamang ika-28 ng Oktubre sa kanyang latest vlog, ay ipinasilip naman niya ang kanyang kahanga-hangang koleksyon ng mamahaling bag..

Isa na nga rito ang Hermès Birkin, na may sukat na 35cm at may disenyong shiny black porosus crocodile with palladium hardware. Pagbabahagi ni Sharon, ay isa ito sa pinaka-memorable niyang bag dahil sa papel na ginampanan nito sa kanyang buhay.

Ito kasi ang bag na ginamit niya noong taong 2008 nang umuwi siya ng Pilipinas galing Hongkong. At sa mga panahong ito, ay naging mainit ang usapin ng paghihiwalay umano nila ng kanyang asawang si Kiko Pangilinan.

At sa pagharap niya nga sa publiko, ay dala-dala niya ang naturang bag habang hinaharap ang kontrobersya.

Hermes

Ilan rin sa koleksyon ng Megastar ang iba’t ibang uri at klase ng disenyo ng Hermes bags. Isa na nga rito ang Birkin Rose Lipstick na may sukat na 35cm.

Mahilig rin si Sharon sa kulay asul na bag kabilang na rito ang Birkin Thallase na gawa sa Epsom Periwinkle leather. Thallase o Thalassa naman ito kung tawagin na mas kilala bilang Mediterranean Sea Blue, kung saan ay mas matingkad naman sa Blue Jean.

Isa naman sa paborito niya ang black Hermes Kelly bag na nabili niya 25 o 30 taon na ang nakakaraan, at hanggang ngayon nga ay iniingatan itong mabuti ng Megastar.

Ang pinakapaborito naman niya sa lahat ng kanyang bag ay isang Hermès Brighton Bleu Birkin na may disenyong crocodile leather. Ito nga ay 35cm Birkin na nagkakahalaga ng USD49,995 o nasa PHP2.4 million.

Talaga namang mahal na mahal ni Sharon ang naturang bag dahio nilagyan pa niya ito ng keychain kung saan makikita ang larawan ni Gong Yoo na nagsisilbi niyang lucky charm.

CHANEL AND LOUIS VUITTON

Maliban naman sa mga kahanga-hangang Hermes bag ni Sharon, ay maipagmamalaki rin niya ang kanyang nga Chanel at Louis Vuitton bags. Isa na rito ang kulay white vintage channel bag na nasa pangangalaga na niya sa loob ng halos 30 taon.

May pagmamalaki ring ipinakita ni Sharon ang isang Louis Vuitton Amarante Monogram Vernis Melrose Avenue na nabili niya noong nagkaroon siya ng tour concert sa Zurich, Switzerland.

Hahangaan rin ang Louis Vuitton Pomme D’Amour Monogram Vernis Alma GM ni Sharon na kung saan ay nagkakahalaga ng USD2,855 o PHP139,000 nang mailabas ito sa publiko.

Ang Louis Vuitton Brea Purple Crocodile Leather bag naman na ipinakita ni Sharon ay nabili niya nang magbakasyon siya sa Milan, Italy.

At dahil nga sa napakagandang disenyo at kakaibang kulay nito na ‘most perfect shade of deep purple, ay hindi na niya pinalampas ang pagkakataon na bilhin ito.

Ang isa namang bag na talagang nag-iwan sa kanya ng matinding emosyon ay ang Louis Vuitton Damier Heirloom. Ito nga ay dahil, pagmamay-ari ng kanyang yumaong ina na si Elaine Gamboa ang naturang bag.

Pagbabalik tanaw nga ng Megastar, ay ito umano ang bag na ginamit ng kanyang ina bago ito pumanaw. “It was her last bag that she used when she was rushed to the hospital until the day that she passed away.”