Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Mga Magagara At Bonggang Koleksyong Sasakyan Ng Aktor Na Si Albert Martinez

Published

on

Nito lamang nakaraan sa programa ng Kapuso network na “Tunay na Buhay”, ay ibinida ng aktor na si Albert Martinez ang kanyang mga naggagandahang classic car collections.
Ayon nga kay Albert lahat ng mga koleksyon niya ng sasakyan ay katas ng naging pagsusumikap niya bilang isang aktor sa industriya ng showbiz. At sa kasalukuyan umano, ay mayroon na siyang dalawampu’t isang car collection.

Ibinahagi nga ng batikang aktor, na noon pa man na siya’y musmus pa lamang ay pinapangarap na niya ang magmay-ari ng mga klasikong sasakyan, lalo na ang sasakyang Mercedez Benz SL. At ngayon nga ay talaga namang, natupad na niya ang mga pangarap niyang ito, dahil sa umabot na nga ito ng dalawampu’t is.

Kuwento pa niya, dahil sa pareho sila ng kinahihiligan ng kanyang unico hijo na si Alfonso Martinez, ay malaya rin nitong nagagamit ang kanyang mga koleksyon ng sasakyan.

Taong 1995 ng simula umano ni Albert ang pangongolekta ng sasakyan, gamit ang perang kinikita niya sa pag-aartista, hanggang sa hindi na nga niya namalayan na sa pagkahilig niya sa sasakyan ay nakarami na pala ang kanyang mga koleksyon.

At dahil nga sa napakarami na ng kanyang klasikong sasakyan, ay ang iba nga umano nito ay ipinarada niya sa garahe ng kanyang kaibigan sa Bulacan, kung saan ay kapareho rin niya ito ng kinahihiligan.

Sa kabila din umano ng pagiging klasiko ng kanyang mga koleksyong sasakyan, ay nilinaw naman ng aktor na lahat ng mga ito ay good condition dahil ang mga ito ay sinisigurado niyang well-maintained.
Maliban naman sa pagkahilig ni Albert sa mga kotse, ay mahilig din sila ng kanyang pamilya na magbonding, katulad na lamang ng off-roading at hiking.

Matatandaan na taong 1980 ng unang makilala si Albert Martinez sa showbiz. At ang kauna-unahan nga niyang TV appearance ay isang GMA teleserye series na pinagbidahan ng yuma0 ng aktres na si Julie Vega, kung saan nga siya ay gumanap bilang si Glenn.

Mula nga noon ay nagtuloy-tuloy ang magandang takbo ng karera ni Albert Martinez sa mundo ng showbiz, at maging hanggang ngayon ay isa pa rin siya sa mga aktibong batikang aktor, kaya naman talagang hindi na nakapagtataka na marami siyang mga ari-arian na naipundar na bunga ng kanyang pagiging isang artista.

Huli nating napanood ang aktor sa telebisyon ng mapabilang siya sa Kapamilya series na ‘Kadenang Ginto’ at The General’s Daughter’, na umere noong taong 2019 hanggang 2020.