Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Naging Bakasyon Ng Magkasintahang Enzo Pineda At Michelle Vita Sa Batangas

Published

on

Napakatamis na bakasyon ang ginawa ng magkasintahang Enzo Pineda at Michelle Vito sa napakaganda at napaka-preskong lugar ang The Farm na matatagpuan sa San Benito, Batangas.
Makakita nga sa mga sweet na larawan ng magkasintahan na kanilang ibinahagi sa kanilang Instagram account, na talaga namang inenjoy nila ang naging bakasyon nila.

Sa Instagram account ng aktor na si Enzo Pineda, ay makikita ang naging pagbabago niya ng larawan, kung saan ay kasama niya ang kanyang kasintahang si Michelle. Kalakip nito ay ang caption nito na;

“By far one of our best trips. Thank you@thefarmsanbenito. We really enjoyed our stay and ang sarap ng “Hilot Kasuyo” natanggal mga lamig ko intense. We will definitely comeback. It was holistic healing/relaxing experience.”

Maliban sa larawang ito, ay may ibinahagi pang ibang larawan ang aktor, kung saan makikita naman na silang dalawa ng kasintahan ay sweet na magkayakap habng masayang nakababad sa tubig ng tila isang Lanai o pool. At ito ay may caption naman na;

“Hirap kiligin sa camera Thank you @lyka.global for the solid vacation last week. The Farm at San Benito was surreal @thefarmsanbenito.”

Marami naman sa mga tagahanga ng “sweet couple” na ito ng showbiz, ang talaga namang kinilig sa mga matatamis na larawan na ito nina Michelle at Enzo, na kuha sa kanilang naging masayang bakasyon sa The Farm, sa San Benito, Batangas. Makikita kasi sa bawat larawan, na talagang mahal na mahal nila ang isa’t isa.

Hindi na maikakaila na bukas ang relasyon nina Michelle at Enzo sa mata ng publiko at kanilang mga tagahanga, at patunay nito ay ang madalas na pagbabahagi ng aktor ng mga larawan nila ng kasintahan sa kanyang social media account.

Hindi rin maikakaila ang pagiging malapit ni Michelle Vito, sa pamilya ng boyfriend nitong si Enzo, dahil noong kaarawan ni Mommy Macy (ina ni Enzo), ay pinasalamatan nito ang ang aktres, dahil sa ipinadala nitong cake para sa kanya.

Ayon pa nga sa mommy ng aktor, na si mommy Macy, ay maganda ang relasyon na mayroon ang kanyang anak, at kasintahan nitong si Michelle.

Madalas naman na pinupuri ni Enzo si Michelle, kung saan para sa aktor, ay mayroon itong “big heart.” At wala na umano itong mahihiling pa sa ugaling mayroon ang kanyang kasintahan.