Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Naging Masayang Bakasyon Sa Cebu Ng Pamilya Ni Baron Geisler

Published

on

Tunay nga naman na isa sa nagpapasaya sa buhay ng isang tao ay ang pagkakaroon ng isang masaya at buong pamilya. At ang pamilya rin ang siyang dahilan kaya naman nagpupursige ang isang tao na maayos at mapaganda pa lalo ang kanyang buhay.

Ganito nga ang buhay ngayon ng aktor na si Baron Geisler, na mula magkaroon at bumuo ng kanyang sariling pamilya ay masasabing mas naging maayos at maganda ang kanyang buhay at kitang kita naman ito sa mga larawan niya kasama ng kanyang pamilya na madalas niyang ibinabahagi sa kanyang social media.

Nito nga lamang nakaraan ay may bagong larawan na naman na ibinahagi ang aktor sa kanyang social media, kung saan ay makikita ang siyang masaya kapiling ang pamilya niya na tila nasa isang bakasyon dahil sa ang larawan nga ay kinunan sa sa dalampasigan na tanaw ang asul na karagatan.

Ayon naman sa mga ulat ang larawan nga na ito na ibinagi ni Baron ay kuha sa kanilang family getaway sa isang magandang lugar sa Cebu, kung saan ito ay ang Ravenala Beach Bungalows. Sinulit umano ng aktor ang mga oras na nasa bakasyon sila ng kanyang pamilya, dahil babalik na nga sila ng Manila.

Makikita nga sa mga larawan ang isang masayahin at puno na pagmamahalan na Baron Geisler para sa kanyang pamilya. At kitang kita rin sa kanyang asawa at anak ang walang kapantay na kaligayahan ng mga ito sa naging bakasyon nilang mag-anak.

Ikinatuwa naman ng maraming mga netizens ang naging post na ito ni Baron, dahil nakikita na nga nila ngayon sa aktor na mas mabuti at payapa ang buhay nito simula magkaroon siya ng sariling pamilya. Umani nga ang naturang post ng sandamakmak na mga positibong mga komento, kung saan ang iba ay nagsabi na masaya sila para sa buhay na mayroon ngayon ang aktor at ang iba naman ay hiling ang kaligtasan palagi ng pamilya nito.

Si Baron Geisler ay isa sa mgg batang aktor noong taong 1994 na unang sumikat at nakilala ng mapabilang siya sa programang “Ang TV”. Siya ay isinilang noong ika-5 ng Hunyo taong 1982 at ang kanya ngang tunay na pangalan sa totoong buhay ay Baron Frederick Von Geisler.

Hindi naman maikakaila ang kanyang pagiging isang mahusay na aktor, kaya naman marami rin siyang mga serye at pelikula na kinabilangan. Matatandaan pa nga na noon ay napabilang siya sa seryeng FPJ, Ang Probinsiyano ng Kapamilya network.

Maliban nga sa pagiging isang aktor, ay isa ring negosyante at resource speaker si Baron Geisler na marahil ay iilan lamang sa atin ang nakakaalam ng detalyeng ito patungkol sa aktor.