Connect with us

Inspiring

Silipin Ang Nakakatuwang Kasal Na Ang Ginamit Ay Isa Pampamasadang Tricycle Imbes Na Isang Bridal Car5

Published

on

Sa isang kasal ay karaniwan na nga na makikita natin na ang isang bride ay ang sinasakyan patungo sa simbahan o sa venue kung saan gaganapin ang kasal ay isang bridal car. Ngunit sa panahon ngayon, dahil sa hindi na nga biro ang magpakasal, ay kanya-kanya ngang diskarte sa kung papaano makakatipid sa kasal.

Para sa iba ay isang wais na desisyon nga ang pagtitipid sa kasal lalo na nga ngayon na ramdam natin ang krisis dala ng kahirapan. At isa nga sa mga wais na pagtitipid na ginagawa ng maraming ikinasal ngayong panahon na ito ay ang imbis na mag -renta ng isang bridal car upang gamitin sa kanilang kasal,

ay mas pinipili na gamitin na lamang ang sasakyan na kung ano ang mayroon sila at ito nga ay pagagandahin lamang at dedikorasyonan upang maging kaaya-aya sa mata at maging presentableng sakyan.

Isa na nga sa mga halimbawa nito ay ang bagong kasal na imbis na magrenta nga ng bridal car ay ay pinili na ang pampasahadang tricycle na lang ng ama ng bride ang maging bridal service.
Nito nga lamang nakaraan, ay panibagong kasalan ang naging usap-usapan sa social media.

Ayon sa naging paglalahad ang naturang bride na kinilalang si Kareeza Faith Tullo-Atrero ay naisipan na gamiting bridal car ang pampasadang tricycle ng kanyang ama sa araw ng kanyang kasal. Ito nga ay upang makatipid sila sa gastusin sa kasal.

Ang naturang pampamasadang tricycle nga ng kanyang ama ay nilagyan lamang nila ng palamuti at dekorasyon upang maging kaaya-aya nga bilang isang service bridal car. Sa naging pagbabahagi nga ni Kareeza ng kanyang sinakyang bridal service tricycle sa kanyang kasal, ay inilahad niya rin kung bakit ito ang napili niyang sakyan sa araw ng kanyang kasal.

“On my wedding last December, I chose to ride on a Tricycle than a car. Mas gusto kong ihatid sa simbahan gamit ang Tricycle na naging malaking parte ng aking buhay”, ani Kareeza sa kanyang FB post.

Ayon nga kay Kareeza lumaki siya na nakikita ang naging pagsasakripispyo ng kanyang amang tricycle driver para maitaguyod ang kanilang pamilya, kung saan araw-araw nga itong namamasada m-araw o ma-ulan man ang panahon.

Kaya naman bilang ganti at pasasalamat sa lahat ng naging sakripisyo ng ama, ay ninais niya itong bigyan ng simpleng parangal sa espesyal na araw nga ng kanyang kasal. “I believe, this is the best chance I can HONOR my father for all of his hardworks such as a tricycle driver working so hard para sa aming pamilya” ani pa ni Kereeza.

Kinilala nga ang ama ni Kareeza na si Mang Efren, kung saan ayon nga kay Kareeza ay talagang proud na proud siya sa kanyang ama, at sa naging pagpupursige nito upang maitaguyod sila.

Sa kabila nga ng mainit at pawis na pawis si Kareeza sa loob ng tricyle habang siya ay papunta ng simbahan, ay masaya naman niyang naiisip kung gaano siya ka-swerte sa pagkakaroon ng ama sa katauhan nga ni Mang Efren.

“Proud ako sa kung sino s’ya. Proud ako na s’ya ay isang mabuting Ama. Proud ako na s’ya ay matapat na tricycle driver. At proud ako na ako’y kanyang anak.” Dagdag pa nga ni Kareeza, hindi niya alintana ang anumang pawis o init na kanyang naramdaman no’ng siya’y nakasakay sa tricycle ng ama patungo sa simbahan dahil batid niya na walang-wala ito kumpara sa araw-araw na pagod ng ama niya kapag ito’y namamasada para lamang mabigyan sila ng maayos na buhay at magandang kinabukasan.

Sa huli nga ay nag-iwan pa si Kareeza ng magandang mensahe, kung saan ay ay pinaalala nga niya sa mga anak na katulad niya na huwag kalimutang bigyan ng parangal ang mga magulang kahit sa simpleng paraan lamang dahil sa nararapat nga lamang ito para sa ating mga magulang lalo na sa naging sakripisyo nila para mabigyan ang bawat isa sa atin ng maayos na buhay.

“And to every girl and boy reading this, I hope we do take every opportunity to honor our parents. And to those who have lost their parents, I know up there – they are happy to see you happy! Hindi ka man nila mailakad sa altar, baon mo sigurado ang pagmamahal nila.”