Connect with us

Uncategorized

Silipin Ang Napaka-Aliwalas Na “All-White Master Bathroom” Ni Toni Gonzaga

Published

on

Ang TV host-actress na si Toni Gonzaga – Soriano ay kabilang sa mga itinuturing na ‘most-influential’ na babae ngayon sa social media. Ito nga ay dahil maliban sa kanyang pagiging isang mahusay na actress, ay talaga namang may taglay siyang angking katalinuhan, lalo na nga sa pagbabahagi ng mga ‘words of wisdom’.

Maliban nga sa pagiging isang TV host-actress, ay pinasok na rin ni Toni ang mundo ng vlogging, kung saan ay madalas ngang nagte-trending ang kanyang mga ginagawang video vlog dahil sa kapag may ine-interview siyang tao ay siguradong may mapupulot na mga aral ang kanyang mga tagasubaybay.

Samantala, tila nito nga lamang nakaraang ika-26 ng Abril ay nag-time out muna si Toni sa pag-gawa ng mga video vlog interview, dahil sa pagkakataon na ito ay pinili nga niyang ipasilip sa kanyang vlog ang bagong gawang ‘all-white master bathroom’ nila sa tahanan, kung saan ayon nga sa kanya ay ito ang wedding anniversary gift sa kanya ng mister niyang si Paul Soriano.

Ayon nga kay Toni, ng tanungin siya ng kanyang asawang si Paul kung ano ang nais niyang matangggap na regalo para sa pagdiriwang nila ng kanilang ika-3 taong anibersaryo bilang mag-asawa, ay iisa nga lamang ang kanyang ni-request sa mister niya at ito nga ay ang mabigyan ng katuparan ang matagal na niyang pinapangarap na ‘all-white master bathroom’.

“Paul asked me last year ano’ng gift daw gusto ko for our anniversary. And I just said, ‘don’t buy me shoes, bags or jewelry. Just give me my dream all-white master’s banyo. So, I got Creative Spaces to help me come up with a design that can maximize the space that we have”, ani Toni.

Makikita nga sa ginawang pagpapasilip ni Toni sa kanyang ‘all-white masters bathroom’ na talaga namang napaka-perfect nito dahil sa maganda, malinis at mala-banyo ito ng isang mamahaling hotel.
Una ngang mapapansin pagpasok agad ng banyo na ito ng mag-asawa ay ang napakagandang bathtub na ayon nga kay Toni ay paboritong tambayan ng anak niyang si Seve.

Ibinida din ni Toni ang mga nag-gagandahang dekorasyon sa loob ng kanilang master’s bathroom, kabilang na nga ang mga vases na may mga dried flowers, ang mga nag-gagandahang mga ilaw na ayon pa nga sa kanya ay voice-activated ang mga light switches nito.

Sa kabila nga ng simple ito dahil sa all white ang kulay nito, ay napaka-elegante naman nito tingnan dahil sinigurado ni Toni na magiging organisado ang lahat ng mga kagamitan na makikita sa kanilang master’s bathroom.

Pagbabahagi pa ni Toni, mayroon silang kanya-kanyang sink ng asawa niyang si Paul sa kanilang bathroom. At ipinakita nga rin niya ang floor-to-ceiling built-in cabinet ng kanyang mister na all white rin syempre.

Perfect din nga para kay Toni ang mga tiles na kanilang napili para sa sahig at pader ng kanilang banyo, dahil napakalinis at aliwalas nga nitong tingnan. “It’s beautiful, it’s sleek, it’s clean and I just love it” ani pa ng Tv host-actress. Siyempre ipinakita rin ni Toni ang loob ng kanilang shower area, na napaka-elegante at linis din.

Isa pa nga sa highlight ng master’s bathroom na ito na pangarap nga ni Toni, ay ang kanyang ipinagdiwang reading nook, kung saan ayon nga sa kanya ay paborito niyang tambayan.
Nagbigay pasilip din naman si Toni sa loon ng kanyang walk-in closet, kung saan ay all-white rin.

Ipinakita niya ang isang shelf kung saan ayon sa kanya ay dapat ay paglalagyan niya ng mga bags, ngunit dahil hindi naman siya ganun kahilig sa mga bag ay mas pinili niyang i-display sa nasabing shelf ang kanyang mga libro na halos karamihan nga ay natapos na niyang basahin.

“I love this place kasi this is where I do my quiet time in the morning. This is when I read, this is where I do my reflections”, ani Toni. Para nga kay Toni, ang kanyang walk-in closet ay ang kanyang santuwaryo sapagkat sa bahagi na ito ng kanilang tahanan siya madalas na nagmumuni-muni.