Connect with us

Uncategorized

Silipin Ang Napakagandang Bahay Ni Ryzza Mae Dizon Sa Quezon City

Published

on

Isa sa pinakasikat na bata ngayon sa telebisyon ay si Ryzza Mae Dizon, ito ay mula ng manalo siya sa Eat Bulaga Contest na Little Miss Philippines. Sa edad na 10-taong gulang ay talaga namang malayo na ang narating ng karera ni Ryzza Mae.

Mula sa kanyang pagkapanalo bilang Little Miss Philippines sa Eat Bulaga ay nagpatuloy ang pasok ng oportunidad sa buhay niya. Ngayon ay kabilang siya sa mga host ng nasabing noontime show at host na din siya ng sarili niyang show na The Ryzza Mae Television.

Sa maikling panahon lamang sa industriya ay marami na ang naipundar ng batang si Ryzza Mae para sa kanyang pamilya, ilan sa mga ito ay ang kanilang tatlong palapag na bahay na ngayon ay kanilang tinitirhan at ang kanilang dalawang sasakyan.

Ayon kay Ryzza ang kanyang ina na si Rizza ang nakahanap at nag-ayos ng kanilang bahay. Noon nga daw ay nangungupahan lang ang pamilya nila sa isang apartment da Caloocan City bago sila nakalipat at nakatira sa kanilang tatlong palapag na bahay ngayon.

Sa tatlong palapag na bahay ngayon nina Ryzza ay talagang masasabing malayong-malayo ito sa inuupahan nilang bahay noon dahil sa ganda at laki nito. Pagpasok pa lamang sa sala ay mabibighani na agad ang mga bibisita rito dahil sa napaka eleganteng dating nito.

Ang kulang ng kanilang sofa ay kulay abo (gray) na nakaharap sa isang malaking TV flat screen at may isang black console table sa pagitan ng mga ito. Tama nga naman ang kulay na abo sa isang tahanan lalo na kung may mga bata upang hindi kapansin pansin agad kung halimbawang madumihan man ito.

Napaka elegante rin ng dining area at kusina sa bahay ng batang host, dahil makikita rito ang magagarang kagamitan. Isang round table na may anim na upuan ang makikita sa dining area dahil ayon kay Ryzza ay masyado ng common ang rectangular shape dining table.

Makikita rin sa malapit sa ding table ay isang hanging mirror na nakasabit sa taas ng isang black console table. Sa taas ng console table ay may mga larawan nina Ryzza Mae at ng kanyang pamilya, makikita rin dito ang My Little Bossing promo picture na kasama ni Ryzza sina Vic Sotto at Bimby Yap.

Sa ikatlong palapag naman ng kanilang bahay matatagpuan ang mga silid tulugan nilang magkakapatid. Ang kanyang dalawang kapatid na sina Nicole at Nathan ay magkasama sa isang pambatang silid ngunit magkahiwalay ng kama. Ang mga kama ay may kobre kama na nadedesenyohan ng Tweety Bird para kay Nicole at ang isa naman ay may disenyong Spiderman na para naman kay Nathan.

Ang silid naman ni Ryzza Mae ay isang napakalawak na silid na pinipinturahan ng Baby Pink. Isang Built In Bed na may pull out para sa kapatid naman ang higaan niya rito, mayroon ding malawak na cabinet na kulay dilaw na matingkad ang pintura sa silid na ito ng batang host. Isang mabalahibong carpet na kulay green naman ang nakalatag sa sahig ng silid.

Isang pink-toy operated car din ang makikita sa loob ng silid ng 10-taong gulang na si Ryzza Mae at ito raw ay iniregalo sa kanyang singer/actress na si Pops Fernandez. Napakarami rin magagandang damit ang makikita sa loob ng closet ni Ryzza at mga signature bag naman ang makikita sa taas ng kanyang cabinet na karamihan daw ay ibinigay lamang sa kanya.

Napakaganda at napaka ayos din ng master bathroom sa tahanan ni Ryzza, makikita dito ang isang vibrant green chair at charmy pink bath mat. Ang green chair ay ginagamit ni Ryzza upang abutin ang sinok ng kanilang master bathroom.

Sa ikatlong palapag din ng bahay ng batang host ay may second living area kung saan ay nagsisilbing bonding area na din niyang pamilya, paminsan minsan ay dito rin nagpatuloy ang kanilang mahahalagang bisita.