Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Napakagandang Man Cave Ni Ronnie Alonte Na Mayroong Mini Dance Studio

Published

on

Isa sa mga kinakikiligang aktor ngayon sa mundo ng showbiz ang ay miyembro ng gruping Hashtags na si Ronnie Alonte. Maliban sa pagiging isang aktor at miyembro ng nabanggit na dance group ay kilala rin si Ronnie bilang ang reel-to-real life partner ng aktres na si Loida Andalio.
Hindi lingid sa kaalaman ng marami sa kanilang mga tagahanga na magmula nga ng magkaroon ng quarantine dahil sa krisis ay mas nagkaroon ng panahon ang magkasintahan para sa isa’t isa na mas nagpatibay nga sa relasyon nilang dalawa.

Samantala, nito nga lamang ika-8 ng Hunyo ay ipinasilip ni Ronnie Alonte sa publiko sa pamamagitan ng isang vlog, ang kanyang man cave sa bahay nila sa Laguna. At sa vlog nga niyang ito, ay kasama rin niya ang kasintahang aktres na si Loisa Andalio. Mapapanood sa nasabing vlog ang naging pagpapasilip ng magkasintahan sa man cave ni Ronnie. Ayon pa sa dalawa, ang man cave nga na ito ni Ronnie ay nagsisilbi ring tambayan at pahingaan ng aktor kasama ang kanyang mga kaibigan.

Ayon sa aktor, dahil sa may bakanteng espasyo sa kanilang bahay, ay naisipan niyang gawin itong man cave. Ito nga ay ang kanilang basement, na diumano noon ay dati nilang storage room.
Pagpasok pa nga lamang sa man cave ni Ronnie ay agad nan gang mapapansin ang pagiging malawak nito, at makikita rin ang maraming mga bagay na pwede mapaglibangan. Ayon kay Ronnie, hindi pa talaga tapos ang konstraksyon ng kanyang man cave, at ito nga ay unti-unting ginagawa hanggang sa matapos na nga ang kabuuan nito.

Makikita sa loob ng man cave ng aktor ang isang arcade machine na Daytona USA 2, na ayon nga kay Ronnie ito ay regalo sa kanyang ng tinaguriang Queen of All-Media na si Kris Aquino. Pinasamatan pa niya sa kanyang vlog si Kris at maging anak nitong si Bimby dahil sa regalo na ibinigay nito sa kanya. dagdag pa ng aktor, maliban sa Daytona USA 2, ay binigyan rin siya ni Kris ng isa pang bagay na angkop sa kanyang man cave at mpaglilibangan, ito nga ay ang Time Crisis II.

Talaga namang pambarkada ang dating ng man cave ni Ronnie, dahil sa maraming mapaglilibangan dito, kagaya na lamang ng bilyaran at espasyo para sa mga nais maglaro ng table tennis. May sarili pa ngang CR at shower area sa man cave ng aktor, na talaga namang napakalawak at kakasya nga ang kanyang buong barkada. Para naman makapag-happy happy, ay pinaglayan rin ni Ronni ng bar area ang kanyang man cave.

Ibinahagi naman ni Ronnie na ang kahanga-hangang doodle interior design ng kanyang man cave ay dinesenyo ng kanyang kapatid. Maliban pa nga sa mga nakakaaliw na mapaglilibangan sa man cave ni Ronnie, ay ipinakita rin nila ng girlfriend niyang si Loisa ang mini dance studio niya sa loob nito kung saan ay dito nga sila maaring mag-bonding sa pagsasayaw.

Para naman sa magkasintahan ay talagang nakaka-proud makita na nagawa nilang mapaganda ang dating storage area, na ngayon nga ay man cave na ni Ronnie. Ayon naman sa aktres na si Loisa Andalio, proud na proud siya para sa boyfriend dahil nakikita niya na ang lahat ng naging pagsisikap at paghihirap nito sa industriya ng showbiz ay marami ng mga bagay itong napundar at mga pangarap sa buhay na natupad.