Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Napakagandang Tahanan Ng Komedyanteng Si Wacky Kiray Matapos Ipa-Renovate

Published

on

Sa isang taong nagsimulang manirahan sa isang simple at maliit na bahay, na dahil sa kasipagan ay nagawang umunlad sa buhay at matupad ang kanyang pinapangarap na magandang bahay, ay talaga namang hindi maiiwasan na ito’y kanilang ipagmalaki, dahil ito’y mula sa perang kanilang pinagpaguran.

Isa na nga rito ang Tv host-comedian na si Wacky Kiray, na buong pagmamalaki na ibinahagi sa publiko sa pamamagitan ng kanyang Youtube channel ang kanyang bahay sa Quezon City, na ngayon ay mas maganda at kaaya-aya na lalo sa mga mata, matapos niya itong ipa-renovate.

Isang house tour nga sa kanyang napakaganda ng bahay, ang nagin tampok ni Kiray sa kanyang vlog, kamakailan lamang.

“This is my house, pero hindi ganito ang itsura niya dati. Ang hitsura niya dati ay parang kulungan siya ng ibon at hindi mo ma-appreciate kasi ang chaka niya at lumang bahay na siya’’, ang naging panimula nga ni Wacky Kiray sa kanyang vlog.

“I’m sure marami ng nakakita dito… Ilang beses na kasi siyang naipakita sa Magandang Buhay, sa Rated K. Pero gusto kong ipakita sa inyo ngayon yung loob ng bahay”, dagdag pa ng komedyante.
Matatandaan nga na ilang beses ng naitmapok sa iba’t ibang mga programa sa ABS-CBN ang bahay ng komedyante.

Sa naturang vlog ni Wacky Kiray, ay ipinakita nito ang bawat sulok ng kanyang bahay, kung saan ay mas maayos at modern na ito. Ibinahagi rin ng komedyante, ang ilan niyang mga kagamitan na bigay lamang umano sa kanya, ng malapit niyang kaibigan sa industriya ng showbiz, tulad na lamang nina Alex Gonzaga, Raffy Tulfo at ng iba pa.

Samantala, matapos nang ipakita ang magandang loob na ng kanyang tahanan, ay ibinahagi rin ng komedyante sa kanyang vlog, kung paano niya nakamit ang pangarap niyang bahay na ito.

“Ako ay nangarap lang po na magkaroon ng sarili kong bahay. Pero ngayon natupad ko na po sa tulong po ng Panginoon at sa tulong ng mga taong sumusuporta at nagmamahal sa akin…” ani Wacky Kiray.
Nasiyahan naman ang mga tagahanga at netizens sa nakita nilang magandang pagbabago sa bahay ng TV host-comedian.

Narito nga ang ilan sa mga mababasang komento ng mga netizens; “Grabe from the looks of it. It looks like your interior designer was Gia Salvador! Super ganda ng house… Deserve mo ito mamiii!!!”

“You’re always be my reliever and my happy pill Mama Kiray! Fav kita sa I can do that and I can see your voice.” “Grabe, ganda ng bahay, maliit lang pero ang ganda ganda ng interior.”
“I laughed so hard when he says best hairstyle award.”

“I was so entertained whenever u included ur parents in your vlogs, would you make a vlog quiz bee or spelling bee senior edition. Tnx and God bless.” Ano ang masasabi niyo sa napakagandang interior design na ngayon ng bahay ni Wacky Kiray?