Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Simpleng Buhay Ngayon Ng Dating 90’s Matinee Idol Na Si Onemig Bondoc

Published

on

Natatandaan nyo pa ba ang isa sa mga 90’s matinee idol na si Juan Miguel Rivera Bondoc o mas kilala nga natin sa mundo ng showbiz bilang si Onemig Bondoc? Siya ay isa sa mga kinakikiligan aktor noon sa industriya, lalo na nga ng siya ay maging cast noon sa T.G.I.S.

Sa ilang taon ring naging pamamayagpag ng kanyang karera bilang isang aktor sa industriya ng showbusiness ay pinili ni Onemig na iwanan ang kanyang career ng magdesisyon siyang magpakasal na at lumagay na sa tahimik na buhay kasama ang kanyang naging asawang si Valerie Barlou, isang half French-Filipina, na isa ring model-actress.

Taong 2009 ng ikasal si Onemig at Valerie, ngunit ang kanilang naging pagsasama ay hindi naging maayos kaya naman ito ay humantong rin sa paghihiwalay.

Marami sa atin ang hindi nakababatid na nagkaroon ng dalawang anak ang mag-asawa, at ng sila nga ay maghiwalay, ay ipinaglaban ng dating matinee idol ang kustodiya niya sa mga bata, at siya nga ay nagwagi sa kaso.

Sa naging pagsilip nga natin sa Facebook account ni Onemig, ay nakita natin na ngayon ay naninirahan siya kasama ang kanyang mga anak sa Mariveles, Bataan. Kung saan ay naroon din ang kanyang food franchise business.

Makikita rin sa mga larawan sa kanyang Facebook, na madalas siyang nagta-travel kasama ang kanyang mga anak. Isa naman sa kanyang kinahihiligan at ginagawang ehersisyo ay ang pagbibisikleta.

Kamakailan nga lamang ay naging panauhin sa segment ng Eat Bulaga ‘Bawal Judgemental’ si Onemig, at dito nga ay ini-reveal ng dating aktor na naging kasintahan niya noon si Ciara Sotto.

Samantala, para naman kay Onemig kahit na hindi na siya aktibo sa showbiz, ay masasabi niyang mas masaya ang kanyang buhay ngayon. Ito ay dahil sa mas nagagawa na niya ang mga bagay na noon niya pa nais gawin, noong siya’y isa pang artista.

Hindi naman maitatanggi na marami pa ring mga tagahanga ang dating aktor, at ang iba nga sa kanila ay nagkomento na nami-miss na nila itong makitang muli sa telebisyon. “Gwapo pa rin ni idol hanggang ngayon, sana bumalik na kayo sa showbiz.’’

“Idolll. Kamusta po? Bakit wala na po kayong movie? Miss na miss ko na po kayong panoorin. You’re one of my favorite actor. Galing galing nyo po talaga. I love you, idol. Crush na crush po kita.”
“Lodi balik ka na sa showbiz para ka c Leonardo Dicaprio.”